KRIS AQUINO, PINATAY SA FAKE NEWS PERO BUHAY NA BUHAY

Isa ako sa nanlumo nang makita ko ang isang post sa facebook about Queen of All Media Kris Aquino. Nakalagay sa title ng post ( sa patanong ) na namayapa na si Kris Aquino. Nagulat ako nung makita ko ang post. Agad-agad ay nasabi kong fake news ito na kinakalat ng mga taong halang ang kaluluwa na walang magawa kundi ang patayin ang buhay at buhayin ang patay!

Kumalat ang naturang fake news. Ang bilis. Hanggang sa nagbigay na rin ng kanyang pahayag si Kris Aquino via her instagram account about the said fake news.

Buhay na buhay po si Kris Aquino at may pinagdadaanan lamang sa kanyang kalusugan tulad nung mga nangyari din sa kanya noon. Hindi po patay kundi buhay si Kris na pilit pinapatay ng mga taong hindi ko talaga alam kung gaano kalalim ang galit sa mga Aquinos!

Tulad ng palagian kong sinasabi na mahal ko si Kris Aquino. Dumating din ako sa puntong nainis at napikon ako sa kanya dahil sa ilang pinaggagawa niya pero hanggang pag-puna lang po ang kaya kong gawin at hindi ko kayang gawing patayin ang isang mabuting tao tulad niya.

Let's appreciate Kris for her kindness. From  being loud and for having that good heart kahit nakakapikon siya. Huwag naman nating patayin ang isang Inang lumalaban lang din naman ng patas sa mundong ito. Sino tayo para husgahan siya mula ulo hanggang paa? Sino tayo para sabihing marumi siya? Sino ba sa atin ang napakalinis sa mundong ito at walang bahid ng kasamaan sa anumang aspeto? 

Tuwang-tuwa na siguro itong nagpakalat ng fake news na ito sa puntong ito ng kanyang buhay. Pero sorry to say na hindi ka magtatagumpay sa kasamaan mong yan! My gosh! Sana yung ibang celebrity nalang pinatay mo sa fake news mo! 

Galit ba kayo sa mundo? Sorry! Kahit may pinagdadaanan si Kris, she's truly happy and blessed! That's it pansit! 


No comments:

Post a Comment