HIWALAYANG TOM AT CARLA, TOTOO BA?

Ilang buwan lang matapos nagpakasal ay sumabog ang balitang nagkalabuan at humantong na raw sa hiwalayan sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Kung anu-anong espekulasyon narin ang lumabas patungkol sa hiwalayang ito kung totoo man. 

Lutang parin ang isyung ito hangga't hindi naglalabas ng kanilang opisyal na pahayag ang dalawa. Tatlong araw na ang nakalipas simulang sumabog ang balita subalit sa puntong ito ay mukhang mas pilit tumahimik ng dalawang kampo kasabay ng panghihinayang ng karamihang kaibigan ng dalawa sa loob at labas ng showbusiness. 

Kadalasang dahilan ng hiwalayan, kasal man o hindi ay ang pagpasok ng sinasabing 3rd party involving the boy or the girl.

Bakit nga ba kadalasan ay ito ang nagiging dahilan ng isang hiwalayan ng mag-asawa o mag-nobyo at nobya palang? 

Is it lust or sadyang ang tao ay marupok lamang pagdating sa temptation? Either ways, babae man o lalake ang nangaliwa, bakit nga ba ito nangyayari? At kung bakit sa mga pagkakamaling yun ay hiwalayan kaagad ang madaling maisip na solusyon? 

Kung totoo man ang hiwalayang Tom at Carla, nakapanghihinayang talaga dahil kelan lang ay nagsumpaan pa sila sa altar na magsasama sa hirap at ginhawa. 

Nakakaloka, hindi ba?

No comments:

Post a Comment