THE WIFE NGAYONG FEBRUARY 11 NA SA VIVAMAX

Mula sa direksyon ni Denise O’Hara, na kinilalang Best Director ng Gawad Urian noong 2019, ang isang nagbabagang adult drama, ang THE WIFE, pinagbibidahan ng mahusay na aktres na si Louise delos Reyes, kasama sina Diego Loyzaga at breakthrough star mula sa Pornstar 2 at Palitan, Cara Gonzales. Mapapanood na exclusively sa Vivamax sa darating na February 11 ang THE WIFE.

Si Louise delos Reyes ay si Mara, malumanay na babae na asawa ni Cris (Diego Loyzaga). Masisira ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa nang mangaliwa si Cris at may mangyari sa kanila  ng dating kasintahan na si Lee (Cara Gonzales), isang agresibo at outspoken na babae, kabaligtaran mismo ng pagkatao ni Mara. Pero habang nagsisikap ang mag-asawang maisaayos ang kanilang nasirang relasyon, si Cris naman ay natuklasang may cancer. 

Ang pelikulang The Wife ay sasalamin sa kung hanggang saan dapat ipaglaban ang pagsasamang mag-asawa sa kabila ng pagtataksil. At sa matapat na pagtupad sa sinumpaang magsasama sa sakit man o kalusugan, paanong tatanggapin ng asawa ang huling hiling na may kaugnayan sa naging babae ng kanyang mister?

Saksihan kung paanong magtutuloy ang kanilang kwento dito sa Vivamax Original movie. Mapapanood ang The Wife sa Vivamax sa darating na February 11, 2022.

Para sa local subscriptions, pwedeng i-download ang app at mag-subscribe via Google Play Store, Huawei App Gallery, at App Store. Manood nang tuluy-tuloy sa Vivamax sa halagang P149/month at sa halagang P399 naman para sa tatlong buwang mas makakatipid. Ngayon, may mas sulit pang option, sa halagang P29 lang pwede nang makanood nang tuluy-tuloy sa tatlong araw!

Maaaring magbayad gamit ang website, pumili lamang mula sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, o PayMaya. Maaari ring magbayad sa pamamagitan ng app, pumili lamang mula sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, o Mastercard. O kaya naman, pwede rin sa Ecommerce, pumili lamang mula sa Lazada, Shopee, Comworks, Clickstore, o Paymaya. O kaya naman sa pamamagitan ng mga authorized outlets,  pumili lang mula sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, at Load Central.

Available din ang Vivamax sa Hong Kong, Japan, Malaysia, Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, Canada at USA.

Vivamax, atin ‘to!

No comments:

Post a Comment