SUMIKAT AT NALAOS NA AKTOR MAY BABALIKAN PA KAYA?

Sumikat! Sikat na sikat mula pelikula at telebisyon. Sino ang nagpasikat? Kapamilya Network! Nagkaroon ng pangalan. Tumatak ang pangalan. Magaling umarte at kumita ng milyones ang kanyang pag-arte.

Hanggang sa nag-inarte. Dahil nag-inarte at nagmahal ay nawala sa ere! Meaning, nawalan ng career. Both sa pelikula at telebisyon. Nanahimik. Ang siste, ine-enjoy nalang ang life dahil ang kuwento ay marami naman daw siyang naipundar at naisalbang pera sa kanyang bank accounts. 

Hanggang sa nag-ingay na hindi naman nung balitang may ginagawang appearance sa isang pelikula na nung ipinalabas ang naturang pelikula ay never heard at never naman kumita sa planggana ang pelikula kundi floptsinang arinola ang kinalabasan!

Nag-ingay ulit at una'y umapir sa isang palabas sa telebisyon at pinag-usapang yun na ang kanyang magiging bagong istasyon! Nawala after that dahil ang tiktak ng baklang walang fund ay tila nakipagnegosasyon ulit sa network na nagbigay ng pangalan at yaman sa kanya. Ang ending, kahit ako, bakit kapa namin kukunin ulit sa halagang gusto mo eh sarado nga kami diba? 

Kaya ang ending sa kanyang pagmamaganda, bumalik sa sinabing bagong tahanan at pumirma na nga! 

Ang tanong? Bankable pa rin ba siya bilang isang aktor? Kikita pa kaya ang mga pelikulang gagawin niya or that even teleserye o sitcom na gagawin niya ay magre-rate kaya? 

Ang tanong? Kikita kaya ang pelikula nila ng kanyang fave movie loveteam sa parehong bagong tahanan nila kapag nagsama na sila sa pelikula? 

Ang tanong, this movie company ba ay kailanman ay may kumita na bang pelikulang produced nila kung hindi man sila nagki-claimed as always na kumita ek ek?

Sayang this actor. Actually. Noon pa ay nawalan na siya ng kinang. Nawala na ang appeal niya sa masa because nanlambot na ang fans and followers niya sa pinaggagawa niya, hindi ba? 

Boyang siya! Mali ang strategy kaya ayan natigey na ang imbes may pamalengke! Kakaloka! Suwapang din kasi sa pera! Madamot din! Bagay lang sila talagang magsama sa isang movie ng love niyang kapareha noon. Ano kaya ang title ng movie nila if ever matuloy? 

No comments:

Post a Comment