Katunayan ang larawang nasa itaas na nagkausap na noon pa sina Yda at Karla. Ayon sa aking kaalaman, kaibigan na nila Karla ang mga Romualdez noon pa at hindi na ito bago sa buhay ng pamilya nila at nakalakihan na ni Karla.
Hanggang sa nitong nakaraang buwan lamang ay nag-file finally si Karla ng kanyang Certificate of Candidacy bilang 3rd nominee para sa naturang partylist na kailangang makapaglikom si Karla ng 1 milyong boto para makapasok siya sa Kongreso at maupo!
Marami ang nabigla sa pagtakbo ni Karla o sabihin na nating marami ang nabigla sa kanyang desisyong pasukin ang pulitika. Marami rin ang umalma lalo na ang ilang fans and followers ng kanyang anak na si Daniel Padilla, ang KathNiels na nagprotesta pa laban kay Karla to withdraw from her candidacy dahil ang taong kanyang susuportahan at sinalihang partylist ay ang taong bomoto rin upang tuluyang huwag mabigyang prangkisa ang ABS-CBN at tuluyan nga itong ipinasara.
Walang lumabas na publisidad mula sa kampo ni Karla habang nasa kasadsaran ang naturang protest issue to withdraw. Naglakas loob ako noong tinext si Karla at ito ang kanyang naging textback.
" Hayaan na natin sila Dom. Malalaman din nila ang tunay kong intensiyon at hangarin. Maiiintindihan din nila. Okey lang yan! " sagot pa ni Karla sa aking text message.
Hanggang sa lumipad na nga patungong Tacloban si Karla. Bumiyahe sa iba't ibang bayan ng Samar at Leyte para gawin ang kanyang obligasyon na pakikipagkapwa-tao doon na inabot siya ng halos 1 buwan sa kaiikot doon representing the Tingog Partylist.
Habang nandoon si Karla ay napakarami kong natanggap na pakikibalita kung kaninong tao at kaibigan. Tinatanong ako kung totoo bang nasa 25 million pesos daw o higit pa ang halaga ng kanyang pangalan kaya siya napapayag na ibigay ang kanyang suporta sa Tingog Partylist?
Since alam kong nakabalik na rito sa Manila si Karla ay hindi na ako nagdalawang-isip pang itext siya kung totoo ang naturang halaga at agad-agad naman siyang nagbigay ng kanyang mensahe.
" Walang ganoon! Purely pakikisama at pagmamahal sa Tingog Partylist ito. Hindi totoo yang 25 million na yan. Nakakatawa! " aniyang sagot naman sa aking ipinadalang text message sa kanya.
Nagbigay rin ng paliwanag si Karla patungkol sa tanong na totoo bang nag-resign na ito sa Magandang Buhay bilang host?
" Hindi Dom. Nagti-taping ako ngayon ng Magandang Buhay until January. Tapos by February ay magli-leave ako hanggang April. Yun ang totoo. " aniyang agad namang sagot pa sa akin.
Sana maliwanag na ang lahat. Wala pong tinanggap na 25 million pesos si Karla mula sa Tingog Partylist. Hindi rin totoong nag-resigned siya sa Magandang Buhay na show nito sa Kapamilya Network.
Halata naman talagang loyal na loyal ang kanyang pamilya sa mga Romualdez lalo na sa mga Marcoses. Isang patunay ay si Mommy Thelma, mother of Karla at Lola ni Daniel na talagang wala kang magagawa diyan kapag Imelda Marcos na ang pag-uusapan!
" Naku! Si Mama Dom, wala kang paglalagyan diyan kapag si Imelda na ang pag-uusapan. " aniyang pagtatapos pang tugon sa akin.
No comments:
Post a Comment