CHRISTINE BERMAS BILANG SAMARA SA PELIKULANG SIKLO NI DIREK ROMAN PEREZ

Nasungkit naman ni Christine Bermas ang role bilang si Samara para sa pelikulang SIKLO ni Direk Roman Perez para sa Vivamax! Masaya ang kampo ng dating Belladonnas girl dahil halos walang pahinga si Christine sa paggawa ng pelikula. 

In all fairness kay Christine, naglalakihang mga showbiz actors ang nakakatrabaho niya simulang maging aktibo siya sa paggawa ng pelikula. Hindi dapat kuwestiyunin dahil nakakaarte si Christine at hindi hinog sa pilit ang acting.

Dalawang naglalakihang direktor na rin sa showbiz ang kanyang naging bala sa pag-arte. Nandiyan si Direk Joel Lamangan na siyang naging direktor niya sa kanyang launching movie na Moonlight Butterfly under 316 Media Network at Ang Huling Baklang Birhen. Dalawa rin kay Direk Brillante Mendoza via The Policeman at Sisid. At ngayon naman ay sa pelikulang Siklo ng isang baguhang direktor na si Roman Perez na pakahusay din!

Well, kapag masipag ka naman sa showbiz, marunong umarte at walang attitude, sureness naman ang magagandang project!

No comments:

Post a Comment