" Araw-araw sa aking programa,karamihan sa mga lumalapit ay mga OFW at manggagawa na nakaranas ng pang-aabuso sa kanilang employers at hindi nabigyan ng tamang suweldo o benepisyo. Panahon na upang tuldukan ito. " paglalahad ni Tulfo na kilala sa kanyang pagtulong sa maraming Pilipino araw-araw sa kanyang mga public service program sa radyo, telebisyon at online.
Una sa listahan ng legislative agenda ni Tulfo ang paglikha sa Department of OFWs na tututok sa pagbabantay sa kapakanan at proteksiyon ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.
Bahagi ng planong Department of OFW bill ni Tulfo ang palagiang pagbabantay sa ating OFWs sa iba't ibang bahagi ng mundo upang masigurong protektado sila laban sa anumang pang-aabuso ng kanilang mga amo.
Dagdag pa rito sinabi ni Tulfo na magbabalangkas siya ng panukala na magpaparusa sa mga lokal na employer na mabibigong magbayad ng tamang sahod at benepisyo sa kanilang manggagawa.
Alinsunod naman sa tanyag na pahayag ni yumaong dating pangulong Ramon Magsaysay na " those who have less in life should have more in law ", sinabi ni Tulfo na isusulong niya ang mas malaking pondo para sa Public Attorney's Office o PAO para makapagbigay ito ng libreng tulong legal sa mahihirap na Pilipino na walang kakayahang kumuha ng serbisyo ng abogado.
Nangako rin si Tulfo na dadalhin sa Senado ang mabilis niyang pagtugon sa pangangailangan ng mga Pilipino.
" Dadalhin natin sa Senado ang serbisyo kung saan tayo nakilala ng mga Pilipino. Iyong serbisyong ngayon na, hindi mamaya na. " pagtatapos pa ni Raffy Tulfo sa kanyang napakagandang pangarap sa Senado para sa mga Pilipino mapasaang sulok man ng mundo!
No comments:
Post a Comment