ANA JALANDONI NAPA-ARAY SI MARCO ALCARAZ SA ISANG EKSENA NILA SA PELIKULANG MANIPULA NG AFLIX MEDIA PRODUCTIONS

Aliw kami sa pagiging prangka ni @realanajalandoni Unang naitanong sa kanya ang kanyang pribadong buhay at sinagot niya naman itong she's dating right now at magi-isang buwan palang nilang kinikilala ng isang showbiz guy ang isa't isa. Hanggang sa mapunta na kami sa sexy questions. Patol si Ana at walang kiyeme. 

May panghihinayang factor naman ang drama ni Ana sa naging 2 lovescene nila ni @ajabrenica sa pelikulang MANIPULA na kanyang pinagbibidahan na produced ng #AFlixMediaProduction sa direksiyon naman ni Neal Buboy Tan na malapit na rin nating mapanood.

Sinabi nitong talagang maselan ang naturang tsurvahan nila ni Aljur. Nang tanungin siya kung may na-sight naman siya habang ginagawa nila ni Aljur ang eksena, agad naman nitong sinabing " Naku! Wala nga eh! Ha! Ha! Ha! Hindi man lang nila ako binigyan ng chance. " walang kiyemeng sagot pa ni Ana.

Naikuwento rin ni Ana ang experience niya sa habang ginagawa nila ni Marco Alcaraz - isa sa mga lalakeng supporting actor sa movie. " Ay Kay Marco pala. Kasi sa sex scene namin, nakatali siya, so ako, habang ginagawa ko ang eksenang puputulan ko siya ng kanyang ano sa movie, narinig ko siya, sabi niya, aray, aray, aray! Natawa ako! Ha!Ha! Ha! " aniyng pagkukuwento pa sa aming panayam.

Sa totoo lang, sabi ko nga sana maipalabas na ang movie. Lalo akong na-excite sa mapapanood ko! Ha!Ha!Ha!

Jobert Sucaldito Ana Jalandoni

No comments:

Post a Comment