Christi Fider matindi ang hugot sa kantang ' Heto Na Naman '
May bagong single ang PMPC’s Star Awards for Music Most Promising Female Artist na si Christi Fider. The title of the song is Heto Na Naman na sinulat ng 2013 Himig Handog P-Pop Love Song grand champion na si Joven Tan.
Ayon pa sa Pinoy hitmaker, ang Heto Na Naman ay isang hugot song with spoken words na magpapakilala ng bagong tunog ni Christi bilang sultry singer.
“Gusto kong marinig ng mga tao kung gaano kalalim at kalawak ang kanyang emotional range at sa kantang ito they will see a different side to her, na hindi lang siya sugar and spice, na nice and sweet. Babae rin siya na puwedeng makaramdam ng pain caused by romantic feelings,” pahayag ni Tan.
Sabi naman ni Christi, dedicated ang bago niyang kanta para sa mga broken hearted.
“Hindi ito yung typical na heartbreak song. I think magugustuhan ng mga tao yung kanta ko kasi mahilig ang Pinoy sa mga hugot songs dahil mas nakaka-relate tayo dito. Para ito sa mga nagmahal, nasaktan, at handa pa rin sumubok ulit.
“Heto Na Naman is about giving love endless chances. I feel like nature na yon ng tao, na kahit paulit-ulit tayong nasasaktan, hindi tayo napapagod magmahal ulit. Even if mag-give up na tayo sa love, once may ma-meet tayong person na we feel like there’s a chance na he/she might be the right one, we will still give it a chance kahit alam natin na we might get hurt again,” paliwanag ng dalaga.
Kuwento pa ng Bubble Gum Pop Princess, “When I heard the intro palang ng kanta sobrang nagulat ako kasi very different from my personality. My first single Teka,Teka,Teka is very light and bubbly kasi, then this one Heto Na Naman is the opposite. Since I’m still in the stage of trying out different genres, of course, na-excite ako to record this one.”
Hindi ba mahirap maka-relate sa isang hugot song ang taong NBSP o no boyfriend since birth?
“People may think na never akong nagkaproblem when it comes to love life. Actually, it’s the other way around. Kaya when I heard this song, I can still relate, kasi even though I haven’t really found the right person to love I’m still willing to try to meet people until mahanap ko yung right person for me,” sagot ng singer na pinasok na rin ang pag-arte sa pelikula.
“When it comes to love life kasi, I’m the type of person na na-experience ko na rin ata almost all the “ings” in love -- like ghosting, benching, haunting, etc. Pero I realized na ang bilis ko din maka-move-on.
“So maybe I haven’t really been inlove talaga. Pero as a person kasi na haven’t had a deep relationship with someone sometimes naiisip ko na if it’s my fault? Hindi naman maiiwasan yon to think bakit walang relationship na nagpu-push through.
“Pero when you come to think of it maybe we need to experience these hardships and heartbreaks to prepare us para once we meet the right person we know how to value that relationship. I believe that everything happens for a reason,” paliwanag niya.
Si Christi ay ilan lamang sa mga Adober Studio talents ng ABS-CBN na naapektuhan ng pagsasara ng network dahil sa pagkawala ng prangkisa nito.
“Super nakaka-miss kasi most of my projects are from Adober Studios. Nakakausap ko pa rin naman minsan yung mga network manager ko and they're proud of what I'm doing now – sa music,” lahad niya.
Kamakailan lang ay nanalo si Christi sa Star Awards for Music at para sa kanya ay validation ito na tama ang desisyon niyang i-pursue ang music.
“It was very unexpected. I don’t have any idea about it at first. I’m super grateful for the award. Thankful din for PMPC for the award kasi binibigyan nila ng chance yung mga new talents/artists like me,” reaksyon niya.
Christi Fider’s new song Heto Na Naman is distributed by Ivory Records. Available na ito sa mga digital music stores.