DANIEL PADILLA WINNER BILANG MALE RECORDING ARTIST OF THE YEAR SA 12TH PMPC STAR AWARDS FOR MUSIC

Naging maningning at punong-puno ng bituin ang katatapos lang na 12th PMPC Star Awards For Music Virtual Awards last Sundaynight na napanood sa RAD at FDCP Channel hosted by Sanya Lopez at Quezon City 5th Dostrict Congressman Alfred Vargas. 

Nag-umpisa ang pagbibigay parangal sa minor categories hanggang sa major. At isa sa nag-uwi ng major award ay ang binansagang Teen King na si Daniel Padilla bilang Male Recording Artist Of The Year na ikinatuwa ng kanyang avid fans and follwers lalo na nung magpost si Mommy Min Bernardo ng kanyang pagbati kay Daniel sa twitter. 

Nagpaabot din ng kanyang pagbati ang mahal na ina ni DJ na si Momshie Karla Estrada na tumatakbo naman ngayong 3rd nominee para sa Tingog Partylist at naging kontrobersyal huh!

Dalawang kategorya pa ang napanalunan ni Daniel with Moira para sa kantang Mabagal. Ito ay ang Song Of The Year at Collaboration Album Of The Year.

Saganang akin lang, patuloy po na magbibigay parangal ang aming samahan sa Philippine Movie Press Club para sa magagaling na aktor sa pelikula, telebisyon at musika. 

Mabuhay ang PMPC!

No comments:

Post a Comment