34TH PMPC STAR AWARDS FOR TELEVISION BUKAS NA

34th Star Awards For Television, kasado na!


Handang-handa na ang The Philippine Movie Press Club, Inc.(PMPC) sa selebrasyon ng ika-34 edisyon ng Star Awards For Television. Gaganapin ito sa  ika-17 ng Oktubre,, 2021, Linggo, 6:00 ng gabi,  sa pamamagitan ng virtual awarding. Mapapanood ito sa STV at RAD channels. 


Sina Zsa Zsa Padilla, Gerald Santos, Ima Castro at Christian Bautista ang mga performer. Magsisilbing hosts sina Congressman Alfred Vargas at Sanya Lopez. 


Pararangalan ang King of Talk na si Boy Abunda ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award. Igagawad naman kay Korina Sanchez ang Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award. 



Ang 34th PMPC Star Awards For Television ay sama-samang binuo ng mga officer at members sa pangunguna ng Presidente nitong si Roldan Castro. Katuwang ng club sa pagdiriwang ang  Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pangunguna ni Chairperson Liza DiƱo-Seguerra .Ganoon din ang Beautedem ni CEO at President  Rhea Anicoche Tan. Ito ay sa direksyon ni Pete Mariano. 


Bukod sa RAD at STV channels, ipalalabas din ito ng ika-9:00 ng gabi sa iba't  ibang online platform gaya ng  PMPC Facebook  Page, FDCP Facebook Page (Film Development Council of the Philippines) , Abante Facebook Page, Abante Tonite Facebook Page, Beautederm Facebook Page,EuroTV Facebook Page, AbanteRadyo Tabloidista Facebook Page, ATC Channel 31 Online TV Network, Benny Andaya Official Account Facebook Page, Channel One Global, Channel One TV Movie Global at Mulat Media.


Sino kaya ang mananalong Best  Drama Actress  kina Coney Reyes, Jennylyn Mercado, Judy Ann Santos, Maja Salvador, Nora Aunor, Sunshine Dizon at Sylvia Sanchez?


Magsasalpukan din sina Alden Richards, Coco Martin, Dingdong Dantes, Jeric Gonzales, JM de Guzman, Joey  Marquez  at Joshua Garcia  sa Best Drama Actor.

No comments:

Post a Comment