Hindi ko rin maiwasang purihin si Jin Macapagal. Hindi man ganoon kahaba ang naging role niya dahil siya lang naman ang gumanap na binatang Father Suarez sa film, he's totally very good na lalo compared to what he did sa Damaso last year. Well in our interview kay Jin, ganoon talaga, mahal niya talaga ang pag-arte noh!
Ramdam ko rin ang emosyon ni Jairus Aquino kahit maikli lang role niya lalo na't Rosanna Roces at Allan Paule pa ang mga kaeksena niya.
In fairness kay Troy Montero, nakaarte naman siya sa pelikulang ito. Montero talaga. Guwapong Pari na naging kaibigan ni Father Suarez. Pero ang tumatak sa akin, si Gina Pareno! Isang eksena lang, pero, suwabe! Pakahusay naman talaga!
But what made me, us cried sa movie, yung eksena ng mag-amang Marlo Mortel at yung bata na ang eksena ay simbang gabi! Grabe! Kakaiyak! Marlo's good in this film and love din siya ng camera huh!
Sa film, maraming realization talaga. It's a healing film para sa akin, kasi in every scene, may realization, i love it and hindi rin pala ganoon kadali ang naging buhay ni Father Suarez bago pa man nakilala at kumalat ang healing power niya huh!
That in this film, may miracles at hindi mananaig ang kasamaan laban sa kabutihan. That GOD heals! Paniniwala ang lahat! Lahat ay may kasagutan at kabutihan ang laging bala sa kasamaan.
Yung greatness ni Father Suarez nung siya ay nabubuhay pa, ipaparamdam sa iyo ni John Arcilla sa pelikulang ito. You want healing, watch the film and you will be healed!
No comments:
Post a Comment