WILBERT TOLENTINO MAY PA NOCHE BOLA BONANZA NGAYONG GABI

Winner bilang vlogger  ang kilalang businessman , former Mr. Gay World titlist  at Quarantine online philantropist na si Wilbert Tolentino.

Humahataw ngayon ang kanyang Wilbert Tolentino VLOGS  sa Youtube. Wala pang  dalawang buwan pero almost 300,000 subscribers habang sinusulat ito. Achievement sa kanya ito bilang baguhan sa nasabing entertainment streaming app.

Enjoy at nakakawala ng  stress  ang pagiging abala ni  Sir Wil sa kanyang YouTube channel. 

“Pinasok ko ang mundo bilang isang vlogger para bigyan ng kasiyahan at bonggang entertainment ang mga taong dumadaan sa anxiety at depression sa panahon ng pandemya,” bungad niya.

 “Bilang isang critical COVID pneumonia severe with acute respiratory distress syndrome survivor, ang aking adhikain sa paggawa ng vlog ay patuloy  na pagtulong  sa ating mga kababayan tulad ng mga nasalanta ng  bagyo at kalamidad . Ganoon din  sa iba’t ibang komunidad na nagsa-suffer sa pandemya,”saad ni Sir Wil.

Kumusta ang experience niya bilang vlogger?

“Hindi nagkakalayo ito bilang isang co-owner ng tatlo kong entertainment bar ( Apollo, Club 690, Farenheit).Dapat maglabas ng kakaibang content. Ang mga magagandang komento na  nababasa ko ay nagsisilbing inspirasyon para gumawa pa ako ng marami pang content. Para mabigyan ko ng kasiyahan at libangan ang mga tao,” pakli  niya.

“Ang adbokasya ko sa paggawa ng vlog ay para lumawak ang aking network at bumuo ng isang malaking convention para sa mga sikat na influencer sa iba’t ibang social media tulad ng Instagram, Twitter, Youtube, Lyka, Facebook.Para tulungan ang mga negosyanteng naapektuhan sa pandemya.”

May malaki rin siyang pasabog na event ‘pag bumalik sa normal ang lahat at may vaccine na. 

“Magkakaroon ako ng  THE PHILIPPINES INFLUENCER AWARDS 2021. Ito ay  para ma-cater natin ang mga press, media at mga vloggers kasama ang mga negosyante na naghahanap ng influencers para sa kanilang negosyo,” lahad pa niya.


Gumawa  rin siya ng music video  na Kafreshness  ng Pasko  na nagsisilbing inspirasyon at ligaya ngayong pandemya.

Nagkaroon din ng pagkakaisa at sanib-puwersang  aliw  sa kanyang vlog dahil sa mga collab niya  sa  Beks Battalion (Chad Kinis, Richardson de la Cruz, Reginald Lassy Marquez, Mc Muah Calaquian).

Ganoon din  sa  #DoLaiNab (Donnalyn Bartolome, Jelai Andres at Zeinab Harake).

May collab din  siya kay Sachzna Laparan.Pati sa Kapuso actress na si Sanya Lopez.

May pasabog din siya kasama ang JaMill (Jaysam Manabat, Camille Trinidad).

Ang latest may collab na rin sila ni Raffy Tulfo.

At dahil generous talaga si Sir Wil mamahagi sya ng blessings para sa mga solid kafreshness subscriber.


“Despite of struggles and challenges that we are facing global health issues. Bangon tayo mga Pilipino. ‘Wag nating hayaan na  lamunin tayo ng lungkot!! Spread positive vibes at dapat tayo laging fresh.

“ See you on December 24, 2020, 7pm para lang sa exclusive kafreshness subscriber for Noche Bola Raffle Bonanza,” sambit pa ni Wilbert Tolentino.

No comments:

Post a Comment