CLAUDINE BARETTO IDINIING WALANG KATOTOHANAN ANG ISYU SA KANILANG DALAWA NI ATTY. FERDINAND TOPACIO NOON

Hindi man namin nakasama face to face ang love na love kong si Claudine Baretto sa ipinatawag na presscon ng Borracho Films para sa pelikulang ' Mamasapano ' ay masaya na rin kami nang via zoom ay nasilayan namin si Claudine na on her way to Tagaytay City that afternoon. 

Unang humingi ng dispensa ang aktres kung bakit hindi siya nakarating sa presscon dahil mali siya ng inakalang araw ng pakikipagtsikahan sa entertainment press. 

Halatang blooming si Claudine at happy sa kanyang pribadong buhay. 

Kinamista niya rin kaming lahat via cam at sinabing miss na miss niya na kami at sinabing magkikita rin kami someday.

Napag-alaman mismo namin kay Claudine na isang sequence lang pala siya sa pelikulang Mamasapano pero ayon sa aktres, naging challenging sa kanya ang kanyang role bilang isa sa mga Misis ng mga nasawing sundalo sa Mamasapano na nagsalita sa media. 

Hindi diumano siya sanay na kapag umarte ay kailangang kopyahin o gayahin talaga ang manerisms and everything ng character na kanyang pino-portray. Iba raw ang kanyang naging experience sa kanyang role dahil base diumano sa totoong pangyayari ang pelikula.

Well, nasa role kasi ni Claudine ang substance ng movie na ayon kay Attorney Ferdinand Topacio ay malaking kawalan sa pelikula ang role ni Claudine.

Sa kabilang banda, nagsalita rin si Claudine na wala namang katotohanan ang tsismis sa kanilang dalawa noon ni Attorney Topacio. Naging deretsahan pa si Claudine sa pagsasabing BFF na sila ni Attorney at proud siya bilang kaibigan sa bagong tinatahak na mundo ni Attorney Topacio bilang isang film producer.

Matalik diumano silang magkaibigan at walang katotohan ang lahat ng isyu sa kanilang dalawa.

Sinabi rin ni Claudine na bukas na bukas siya sa anumang role kung kinakailangan ni Attorney Topacio ang kanyang kakayahan. Aniya, walang magiging problema at nasa tabi niya lang ito. 

Mapapanood na ang pelikulang Mamasapano this coming 2021 ayon pa sa Borracho Films.

Nasa presscon rin that day sina Rez Cortez, Gerald Santos, LA Santos, Jojo Abellana, PJ Abellana, Myrtelle Saroza at Jojo Alejar. 

No comments:

Post a Comment