BIDAMAN GRAND WINNER JIN MACAPAGAL PLANO NG UMALIS SA PODER NG MANAGER NA SI MARIO COLMENARES

Mukhang malalim ang sugat ng hidwaang nagaganap ngayon between BidaMan Grand Winner Jin Macapagal at Manager nitong si Mario Colmenares. 

Sa aking one on one interview kay Jin Macapagal sa presscon ng latest movie'ng Suarez: The Healing Priest ay naging deretsahan si Jin sa pagsasabing hindi na pala siya nakatira sa poder ng kanyang manager. Ilang buwan na rin daw silang hindi nag-uusap at nagkikita. 

Sa naging litanya ni Jin sa aking panayam, mukhang gustong-gusto na nitong umalis kay Mario at tumayo nalang daw sa sariling paa.

Naniniwala diumano si Jin na nasa tama siya kaya hangad na nitong makaalagwa mula sa kanyang management na Prime Artists Management. 

Hindi na raw masaya si Jin sa pamamalakad ni Mario sa kanyang career at ang damo niya lang daw naging realization nitong panahon ng pandemic.

Nabanggit niya sa kanyang naging realization ay ang tila sa loob ng ilang taon ay nakalimutan niya ang kanyang sarili at naging sunod-sunuran lang.

May mas malalim pang nabanggit na dahilan si Jin kung bakit gusto na nitong umalis sa poder ng kanyang manager na hindi ko nalamg po isusulat dahil pareho din naman nating mahal ang dalawa.

Umaasa naman ako personally na magkaayos sina Mario Colmenares at Jin Macapagal.

No comments:

Post a Comment