SEAN DE GUZMAN NAGPAKITANG GILAS SA KANYANG LAUNCHING MOVIE BILANG ANAK NG MACHO DANCER

Bago tuluyang inilunsad si Sean De Guzman bilang bidang aktor sa pelikulang Anak Ng Macho Dancer ay inabot siya ng halos 3 taong napapanood sa mga school free shows, out of town shows, tv guestings at private events na sumasayaw at kumakanta kasama ang grupo niyang Clique V under 316 Events And Talent Management. Hanggang sa dumating ang isang araw kung saan siya ay nagpa-audition para sa isang role sa pelikulang Lockdown. Nakuha siya obcourse kaya naman isa siya sa limang aktor na bida sa naturang pelikula ng premyadong direktor na si Joel Lamangan. Magagandang komento mula sa production people lalo na mula kay direk Joel Lamangan na marunong umarte ang binata sa kanyang kauna-unahang movie project.

Hanggang sa nagkaroon naman ng audition para sa sequel ng pelikulang Macho Dancer na pinagbidahan noon ni Allan Paule ang Anak Ng Macho Dancer produced ng Godfather Productions ni Joed Serrano. 

Yung totoo, somebody called Sean from the team ng Lockdown movie to audition para naman sa Anak.

Alanganin pa nga raw si Sean kung maga-audition siya o hindi. Hanggang sa nagdesisyon siyang puntahan ito at sinuwerteng masungkit pa ang lead role bilang bida sa Anak Ng Macho Dancer.

Alam niyo kung bakit nakuha o pinili o naging final choice nila si Sean? Kailangan kasing freshness at innocent looking ang bibida at ayon sa kuwento ng nakasaksi, nagpakita na raw kasi ng kahit papano ay dunong sa pag-arte si Sean sa Lockdown. Kaya? Pasok na pasok si Sean at uradang kesehodang sinabihan na rin siya on the spot na ikaw ang gusto naming bibida at ikaw ang Anak Ng Macho Dancer! 

I admired most ang strategy ni Nanay Jobert Sucaldito bilang siya na rin ang official publicist ng Anak Ng Macho Dancer at bilang Supervising Producer. I love the way how Nanay Jobert handled the said strategy kung saan agad-agad ay nagpatawag ito ng solo launching presscon for Sean wherein sumayaw siya at nagkaroon ng chance ang invited movie entertainment media para makausap siya ng personal. Hanggang sa masundan pa ito ng isa pang media press conference kung saan naman kasama na ang ilang bibida pang aktor sa Anak Ng Macho Dancer na sina Allan Paule, Rosanna Roces, Jay Manalo at Emilio Garcia na pomoste sa pelikula para kay Sean. 

In all fairness, pare-pareho ang naging komento ng press that day that until now ay magkamukha pa nga raw ang dalawa na pati ako naman talaga ay sumang-ayon huh! 

Hanggang sa nag-umpisa na ang shooting ng movie kung saan dito muna sa Metro Manila unang kinunan ang dalawang araw at sa Angeles City, Pampanga naman itinuloy ang natitirang mga eksena.

Naging masaya at malumanay ang takbo ng shooting at puro positibo ang naging komento kay Sean. Ang magaling ito at nakipagsabayan din sa mga naglalakihang aktor na nakatrabaho niya sa movie.

Iisa lang ang ibig kong sabihin. Kung para sa iyo ang isang bagay, harangan man yan ng sandamakmak na kuyokot, mananaig ang tagumpay.

Masasabi kong it's about time for Sean De Guzman to fly! Panahon niya at walang makakapigil diyan. Sabi nga nila, iba pa rin ang hinog na sa hinog sa PILIT!

Ako personally, i wanted Sean na makilala bilang isang AKTOR at hindi BOLD STAR!


No comments:

Post a Comment