Ang alam ko ay ipapalabas na sana this year ang movie pero hindi ito natuloy dahil sa pandemic. Maganda ang nilalaman ng movie na tatalakay sa totoong naging buhay ng naging sikat na healing priest ganoon din ang napagdaanan nitong kontrobersya kaya bigla itong nanahimik.
According to Direk Joven Tan, fair and honest ang treatment niya sa life story ng healing priest lalo na't lahat naman daw ng mga kinunan niyang eksena lalo na sa paglalaro sa script ng movie ay lahat ay alam ni Father Suarez bago pa man ito namatay.
Aminado si Direk Joven Tan na devastated siya nung malaman niyang namatay si Father Suarez kung saan nakasalamuha paraw nila ito a day before ito namatay.
Sabi ko nga kay Direk Joven, kahit pandemic ay wala siyang pahinga mula sa pagko-compose ng kanta at paggawa ng pelikula. Ibang klase rin magtrabaho si Direk Joven na halos walang pahinga huh!
Kamakailan lang ay naging usap-usapan din ang original composition nitong Malalim Na Naman Ang Gabi na kinanta ng Hugot King na si Kiel Alo na gagamitin namang movie themesong ng Anak Ng Macho Dancer na launching movie naman ng newbie actor na si Sean De Guzman.
Sabi nga ni Direk Joven Tan, work lang ng work. Ayaw na ayaw niya raw ang nababakante siya dahil totoo nga naman, passion niya naman talaga ito kaya ganoon nalang siya magtrabaho.
Nitong araw lang ay mukhang tuloy na tuloy narin ang proyektong kanyang gagawin with Manila Mayor Isko ' Yorme ' Moreno na ipo-produce naman ng Saranggola Media Productions ni Edith Fider.
Bongga! Congrats Direk!
No comments:
Post a Comment