SEAN DE GUZMAN NAGPAKITANG GILAS SA KANYANG LAUNCHING MOVIE BILANG ANAK NG MACHO DANCER

Bago tuluyang inilunsad si Sean De Guzman bilang bidang aktor sa pelikulang Anak Ng Macho Dancer ay inabot siya ng halos 3 taong napapanood sa mga school free shows, out of town shows, tv guestings at private events na sumasayaw at kumakanta kasama ang grupo niyang Clique V under 316 Events And Talent Management. Hanggang sa dumating ang isang araw kung saan siya ay nagpa-audition para sa isang role sa pelikulang Lockdown. Nakuha siya obcourse kaya naman isa siya sa limang aktor na bida sa naturang pelikula ng premyadong direktor na si Joel Lamangan. Magagandang komento mula sa production people lalo na mula kay direk Joel Lamangan na marunong umarte ang binata sa kanyang kauna-unahang movie project.

Hanggang sa nagkaroon naman ng audition para sa sequel ng pelikulang Macho Dancer na pinagbidahan noon ni Allan Paule ang Anak Ng Macho Dancer produced ng Godfather Productions ni Joed Serrano. 

Yung totoo, somebody called Sean from the team ng Lockdown movie to audition para naman sa Anak.

Alanganin pa nga raw si Sean kung maga-audition siya o hindi. Hanggang sa nagdesisyon siyang puntahan ito at sinuwerteng masungkit pa ang lead role bilang bida sa Anak Ng Macho Dancer.

Alam niyo kung bakit nakuha o pinili o naging final choice nila si Sean? Kailangan kasing freshness at innocent looking ang bibida at ayon sa kuwento ng nakasaksi, nagpakita na raw kasi ng kahit papano ay dunong sa pag-arte si Sean sa Lockdown. Kaya? Pasok na pasok si Sean at uradang kesehodang sinabihan na rin siya on the spot na ikaw ang gusto naming bibida at ikaw ang Anak Ng Macho Dancer! 

I admired most ang strategy ni Nanay Jobert Sucaldito bilang siya na rin ang official publicist ng Anak Ng Macho Dancer at bilang Supervising Producer. I love the way how Nanay Jobert handled the said strategy kung saan agad-agad ay nagpatawag ito ng solo launching presscon for Sean wherein sumayaw siya at nagkaroon ng chance ang invited movie entertainment media para makausap siya ng personal. Hanggang sa masundan pa ito ng isa pang media press conference kung saan naman kasama na ang ilang bibida pang aktor sa Anak Ng Macho Dancer na sina Allan Paule, Rosanna Roces, Jay Manalo at Emilio Garcia na pomoste sa pelikula para kay Sean. 

In all fairness, pare-pareho ang naging komento ng press that day that until now ay magkamukha pa nga raw ang dalawa na pati ako naman talaga ay sumang-ayon huh! 

Hanggang sa nag-umpisa na ang shooting ng movie kung saan dito muna sa Metro Manila unang kinunan ang dalawang araw at sa Angeles City, Pampanga naman itinuloy ang natitirang mga eksena.

Naging masaya at malumanay ang takbo ng shooting at puro positibo ang naging komento kay Sean. Ang magaling ito at nakipagsabayan din sa mga naglalakihang aktor na nakatrabaho niya sa movie.

Iisa lang ang ibig kong sabihin. Kung para sa iyo ang isang bagay, harangan man yan ng sandamakmak na kuyokot, mananaig ang tagumpay.

Masasabi kong it's about time for Sean De Guzman to fly! Panahon niya at walang makakapigil diyan. Sabi nga nila, iba pa rin ang hinog na sa hinog sa PILIT!

Ako personally, i wanted Sean na makilala bilang isang AKTOR at hindi BOLD STAR!


HUGOT KING KIEL ALO RECORDED ANAK NG MACHO DANCER MOVIE THEMESONG

Nitong nakaraang huwebes ng hapon ay tuluyan na nga'ng ni-record ng binansagang Hugot King na si Kiel Alo ang Malalim Na Naman Ang Gabi bilang movie themesong ng inaabangang pelikula ni Sean De Guzman titled Anak Ng Macho Dancer mula sa direksyon ni Joel Lamangan na produced naman ng Godfather Productions ni Joed Serrano. 

Malalim nga ang kanta dahil habang nire-record ni Kiel ang original composition ng magaling din na direktor, music composer at hitmaker na si Joven Tan ay hugot na hugot itong si Kiel na sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapag-record din siya para sa isang movie themesong. 

" Nung pinakinggan ko po yung kanta, lalo na nung inumpisahan ko ng sabayan yung demo, kinilabutan po talaga ako. Ibang klase! Ayon, memorize agad ako ng song, kinabisado ko po at maganda talaga siya." Paglalahad pa ni Kiel.

First time din ni Kiel makatrabaho ang hitmaker na si Direk Joven Tan.

" Opo. Kinakabahan ako kanina kay Direk habang gina-guide niya ako habang nagre-recording. Pero napaka-cool lang din ni Direk Joven. Smooth ang recording at ayan po, nairaos rin. " aniyang muli sa akin.

Nang makausap ko naman si Direk Joven, aniya, magaling si Kiel at mabilis ang pick-up.

" Magaling si Kiel. Tingnan mo, ang bilis natin. May boses si Kiel. Parang Janno at Ogie ang boses niya na masarap sa tenga. Okey si Kiel." Paglalahad pa ni Direk Joven.

Sobrang nakaka-tagos puso ang bawat linya sa kantang ito. Actually, kinilabutan kami while nagre-recording si Kiel.

Papatok ang kantang ito na kapag nailapat pa sa pelikulang Anak Ng Macho Dancer ay lalo nating yayakapin ang pelikulang kinatatampukan ng naglalakihang movie and television actors nating sina Allan Paule, Jacklyn Jose, Jay Manalo, Emilio Garcia at Rosanna Roces. 

Happy rin si Kiel dahil isang oportunidad diumano ang pagkakapisil sa kanya upang gawin ang movie themesong ng movie under the script of Henry King Quitain kasama sina Ms. Grace Ibuna, Dennis Evangelista at Nanay Jobert Sucaldito bilang supervising producer nito.

Ayon din kay Nanay Jobert na maybe 1st week of December ay tapos na ang post production ng movie.

Nasa digital platforms na rin ang debut single ni Kiel Alo titled Aasa Ka Ba.

NET 25's FIRST EVER ROMANTIC DRAMA SERIES NA ANG DAIGDIG KO'Y IKAW KAABANG-ABANG

Masuwerte ang EBC Net 25 dahil nakuha nilang main lead stars para sa kauna-unahan nilang romantic drama series na Ang Daigdig Ko'y Ikaw  ang parehong mahuhusay na aktor na sina Geoff Eigenmann at Ynna Asistio.

Kitang-kita naman ang kahusayan ng dalawa mula sa napanood naming full trailer sa katatapos lang na press conference nito na ginanap sa Museu ng EBC Net 25 nitong martes lang ng gabi.

In fairness, mukhang matino ang istorya ng ADKI patungkol sa pag-iibigang tunay at kung hanggang kailan nila ito ipaglalaban. Mahusay ang pagkakalatag ng script sa totoo lang huh. Pinag-isipan at hindi basta-bastang karakter ang matutunghayan.

Halatang hindi rin tinipid ang produksiyon nito dahil sa Azucar sa Bataan ang setting ng drama series ayon pa sa kuwento ni Direk Eduardo Roy Jr.

In all fairness kay Direk Eduardo Roy Jr., pulido talaga siyang gumawa ng project kahit naman sa mga naging proyekto nito sa nakaraan pa. That means na mahal talaga ni Direk Ed ang kanyang trabaho kaya nandun yung passion niya at makikita at mararamdamam mo sa drama series niyang ito.

According to Geoff at Ynna, thankful silang dalawa sa pagkakasungkit nila sa naturang proyekto ganoon din daw ang tiwalang ibinigay sa kanila ng Net 25. Kunsabagay, walang kuwestiyon sa kakayahan ng dalawang bida dahil tested naman na ang pagiging magaling nila. 

Proud din daw ang dalawang bida dahil bukod sa napakaganda ng istorya ng kanilang drama series, pagkakaroon ng magaling na direktor ay isang karangalan na rin daw para sa kanila ang makatrabaho ang isang Tanya Gomez at Elizabeth Oropeza sa naturang proyekto.

Kaabang-abang ito dahil alam mo naman ang Pinoy pagdating sa teleserye, naku, drama at romance as always ang paborito nating pinapanood! 

Ang ADKI ay istorya ng three old friends who find themselves and their families trapped in their rustic small town during the nationwide lockdown where old feelings resurface amidst unresolved issues. The award winning Eduardo Roy Jr. directs this masterpiece. Written by Bing Castro Villanueva under the supervision of director and writer, Nestor Malgapo Jr.




GEOFF EIGENMANN AT YNNA ASISTIO BIBIDA SA ANG DAIGDIG KO'Y IKAW NG NET 25

In a world that seems to have no place for their love, will their love find a 

way to build a world only for them?

Romer, a seaman on vacation, is on a road trip with his family. Their itinerary is 

disrupted when an ill friend from their hometown of Olvida calls and Romer’s 

mother insists on visiting her. Romer is reluctant but he cannot say no to his 

mother. He agrees with the condition that it’s going to be just a brief visit.

As they drive along the streets of Olvida, Romer sees that their hometown has 

not changed a bit since they left 10 years ago. Ten years that transformed him 

into the man that he is now – well-travelled, capable and confident. But the 

longer he stays, the more he realizes that those 10 years are not enough to 

totally free himself from this town. He has to hurry up and get out quickly.

Before Romer could leave, the government declares a nationwide lockdown 

due to the pandemic. Unable to go back home to Manila, Romer and family look 

for a place to stay indefinitely. The only place that can accommodate them is 

the lone hotel in town, Hotel Olvida, where he used to work as a young boy, 

and which is owned by the family of his former girlfriend, Reina. 

The encounters between Romer and Reina are ugly at first as they are 

reminded of their young romance that ended bitterly. They soon agree to stay 

away from each other’s paths. But in a small town like Olvida, it is not easy to 

avoid someone even during a community quarantine.

Romer and Reina soon realize that their feelings for each other haven’t 

changed, but so have the barriers that made their love unattainable the first 

time, and which drove Romer away from Olvida in the first place. It’s the past 

coming back, only more complicated.

Romer and Reina will free themselves from the past and fight for their love.

SEAN DE GUZMAN NAKATIKIM NG PAPURI

Gumiling na ang kamera nitong nakaraang linggo para sa sequel ng pelikulang Macho Dancer na pinagbidahan noon ng sikat na ngayong aktor sa showbizlandia na si Allan Paule ang Anak Ng Macho Dancer kung saan ay isang baguhang gumagawa naman ng pangalan sa mundo ng pelikulang si Sean De Guzman ng 316 Events And Talent Management ang bibida mula sa direksiyon ng award-winning director na si Joel Lamangan. This is something na masasabi kong big thing talaga para kay Sean De Guzman dahil naglalakihang aktor ang pumoste bilang susuporta sa kanyang launching movie tulad nina Allan Paule, Jacklyn Jose, Rosanna Roces, Emilio Garcia at Jay Manalo produced ni Joed Serrano ng Godfather Productions.

Nasaksihan namin ang kinunang eksena ni Sean kasama ang award-winning actress na si Jacklyn Jose. Nag-uusap sila sa naturang eksena at halatang kabado si Sean pero matagumpay niya itong nairaos bilang palaban din huh!

That day of shoot ay nagkaroon pa ng eksena sina Jacklyn at Sean sa Roxas Boulevard kung saan nakakaiyak ang eksenang yun huh.

Ayon sa aking source, nakatikim ng papuri si Sean mula sa napakahusay na aktres na si Jacklyn Jose. 

Magaling daw si Sean bilang baguhan at mabilis ang pick-up. Ayon pa raw kay Jacklyn Jose, habang kaeksena niya raw si Sean ay naalala niya na naman daw ang mga eksenang ginawa nila noon ni Allan Paule sa Macho Dancer. 

Malaki daw ang posibilidad na sisikat si Sean basta't mahalin lang daw nito ang kanyang trabaho at huwag lumaki ang ulo at hindi magkaka-attitude.

Ayon naman sa isang kausap ko, iba raw kasi ang sinasabi ng mukha ni Sean. Kitang-kita na raw sa ngayon palang ang stardome kay Sean lalo na't marunong daw itong umarte at walang kaartehan!

Kinuha na rin si Sean bilang endorser ng BlackWater!

Yun na! Goodluck Sean!

Yun na! Goodluck Sean!


MYMP RELEASES LAST CHRISTMAS

 

POWERHOUSE LAST QUARTER OPM RELEASES FROM IVORY MUSIC & VIDEO

 

Despite the pandemic, OPM is still very much alive. Taking note of the safety protocols set by the government or simply just recording at the comfort of their homes, the artists were able to record new tracks, thanks to the power of technology. Ivory Music and Video, one of the leading independent record labels in the Philippines, continues to champion OPM as it releases its powerhouse line-up of local releases for the fourth quarter of this year.Check out these new songs which can be downloaded or streamed in various digital music stores and can now be added to your music playlists:

The country’s biggest selling acoustic duo, MYMP, adds the merry in this year’s holiday season with “Last Christmas”. This year, MYMP makes the song more special with Carmella’s sweet vocals accompanied by a full band setup. With this release, MYMP aims to be a source of light and hope in this “new normal” holidays.

 

MYMP (short for Make Your Momma Proud) was formed in 1998 and released their debut album “Soulful Acoustic” in 2003 which has been certified Platinum that same year.

They have since released 8 albums and sold a total combined of more than 12 certified platinum records when CD's were still the main means of audio format. Since the release of their debut album, the duo has received both local and international success with some of their songs hitting the top charts in South Korea and Indonesia and other Asian countries. They've performed several times in South Korea's Asia Song Festivals and Indonesia's Jazz Festivals. As testament to the timeless flavor of their music, MYMP currently has 1.2 million monthly listeners on Spotify.

 

MYMP’s “Last Christmas” is now available worldwide in all digital music stores: bit.ly/LastChristmasMYMP