NET 25's FIRST EVER ROMANTIC DRAMA SERIES NA ANG DAIGDIG KO'Y IKAW KAABANG-ABANG

Masuwerte ang EBC Net 25 dahil nakuha nilang main lead stars para sa kauna-unahan nilang romantic drama series na Ang Daigdig Ko'y Ikaw  ang parehong mahuhusay na aktor na sina Geoff Eigenmann at Ynna Asistio.

Kitang-kita naman ang kahusayan ng dalawa mula sa napanood naming full trailer sa katatapos lang na press conference nito na ginanap sa Museu ng EBC Net 25 nitong martes lang ng gabi.

In fairness, mukhang matino ang istorya ng ADKI patungkol sa pag-iibigang tunay at kung hanggang kailan nila ito ipaglalaban. Mahusay ang pagkakalatag ng script sa totoo lang huh. Pinag-isipan at hindi basta-bastang karakter ang matutunghayan.

Halatang hindi rin tinipid ang produksiyon nito dahil sa Azucar sa Bataan ang setting ng drama series ayon pa sa kuwento ni Direk Eduardo Roy Jr.

In all fairness kay Direk Eduardo Roy Jr., pulido talaga siyang gumawa ng project kahit naman sa mga naging proyekto nito sa nakaraan pa. That means na mahal talaga ni Direk Ed ang kanyang trabaho kaya nandun yung passion niya at makikita at mararamdamam mo sa drama series niyang ito.

According to Geoff at Ynna, thankful silang dalawa sa pagkakasungkit nila sa naturang proyekto ganoon din daw ang tiwalang ibinigay sa kanila ng Net 25. Kunsabagay, walang kuwestiyon sa kakayahan ng dalawang bida dahil tested naman na ang pagiging magaling nila. 

Proud din daw ang dalawang bida dahil bukod sa napakaganda ng istorya ng kanilang drama series, pagkakaroon ng magaling na direktor ay isang karangalan na rin daw para sa kanila ang makatrabaho ang isang Tanya Gomez at Elizabeth Oropeza sa naturang proyekto.

Kaabang-abang ito dahil alam mo naman ang Pinoy pagdating sa teleserye, naku, drama at romance as always ang paborito nating pinapanood! 

Ang ADKI ay istorya ng three old friends who find themselves and their families trapped in their rustic small town during the nationwide lockdown where old feelings resurface amidst unresolved issues. The award winning Eduardo Roy Jr. directs this masterpiece. Written by Bing Castro Villanueva under the supervision of director and writer, Nestor Malgapo Jr.




No comments:

Post a Comment