HIWALAYANG JAMES REID AT NADINE LUSTRE FABRICATED PUBLICITY?

May nakarating sa akin. Since mainit na pinag-uusapan parin magpahanggang ngayon ang hiwalayang James Reid at Nadine Lustre na recently lang ay nagsalita naman si Nadine na willing parin siyang makatrabaho si James at okey naman daw sila. Nandiyan din ang isyung pagkalas ni Nadine naman sa bakuran ng Viva na diumano ayon sa Viva ay may existing contract pa si Nadine na sinagot naman ng kampo ni Nadine na haharapin nila ek ek ang anumang ipapataw ng Viva sa kanya. Sagutan naman ang dalawang kampo kung saan nagsalita rin si Boss Vic ng Viva na nandiyan lang daw sila at mapag-uusapan naman daw lahat! 
Sa pag-usbong ng isyung ito ay umusbong din ang balitang gumigimik lang daw ang kampo nina Nadine at James at Viva? Gimik lang daw ang lahat ng ito para umugong muli sina James at Nadine? Gimik lang daw ito dahil kailangan daw paingayin ang kapatid ni Yassi Pressman na babae na pinagbintangan pang 3rd party sa hiwalayang James at Nadine? Sabi ng mga nakausap kong tsismosa, kailangan daw kasing paingayin sina James at Nadine dahil palubog naraw ang mga career kaya kailangan daw ng malaking publicity? Kunsabagay, noon pa man, wala pa man ako sa showbiz, hindi pa man ako entertainment columnist ay usong-uso na o ginagawa na ang salitang fabricated publicity sa mga celebs! Ang tanong, totoo kaya? Gimik lang kaya? But wait, who started it all?

No comments:

Post a Comment