Mukhang interesting ang pelikulang 26 Hours: Escape From Mamasapano na diumano ay pagbibidahan ni Arjo Atayde as target lead actor sa movie ayon pa kay Attorney Ferdinand Topacio na produced naman ng Borracho Film Productions. Nabanggit din ni AFT na kasama rin sa movie si Edu Manzano ganoon din si Myrtel Sarrosa. Sa media announcement nito last week ay aminado si AFT na medyo kumplikado ang naturang movie pero wala naman daw dapat ikabahala dahil plantsado na ang lahat mula sa mga bibidang artista at direktor nitong si Direk Lawrence Fajardo. Pretty sure na yayakapin pa ito ng tao dahil si Eric Ramos na nagsulat ng pelikulang Rainbows Sunset ang magsusulat nito. Kontrobersyal ang Mamasapano Massacre na naganap noong ika-25 ng Enero 2015 na limang taon na rin ang nakakaraan. Ayon kay ATF kaya nila ginawang movie itong Mamasapano Massacre bilang initial offering ng Borracho Film Productions dahil hangad daw nilang mailahad sa buong bayan ang istoryang totoo ng tinaguriang SAF 44! Matatandaang si AFT ang tumayong abogado ng mga magulang ng SAF 44 na nagsampa ng reklamong 44 counts of Reckless Imprudence Resulting to Homicide sa Ombudsman laban kay dating Pangulong Benigno Aquino III kasama ang mga Heneral Alan Purisima at Getulio Napenas.
Suportado ng naglalakihang personalidad sa politics ang pagsasapelikuka ni AFT ng Mamasapano Massacre.
No comments:
Post a Comment