GUERRERO DOS MOVIE CREATED TO INSPIRE FILIPINOS

EBC Films invited us para sa advance screening ng pelikulang GUERRERO DOS Tuloy Ang Laban mula sa direksyon ni Carlo Ortega Cuevas who won such accolades as Best International Filmmaker Festival of World Cinema in London, Best New Comer Filmmaker of the Year at the World Film Awards in Jakarta, Indonesia, Best Feature Comedy in the Amsterdam International Festival of World Cinema, Official Selection for 7th Indian Cine International Film Festival-Mumbai, Best Foreign Feature Film Los Angeles Independent Film Festival Awards and Best Screen Play at the International Film Festival Manhattan. Bilang baguhang direktor ay pinahanga kami ni Direk Carlo sa kanyang obra na ayon sa kanya ay ipinagmamalaki niya dahil napakaganda ng kuwento nito. Istorya ito ng ups and downs ng buhay. Kung paano nilalabanan ang mga pagsubok na dumarating sa ating buhay. Kung paano natin ito hinaharap kahit hirap na hirap na tayo. In faifness sa pelikulang ito, hindi rin siya pocho-pocho kundi pinaglaanang mabuti ang bawat eksena ng oras upang mailahad ng maayos ang nilalaman nitong istorya para sa manonood. Magaling si Direk Carlo lalo na sa kanyang mga shots rin sa movie ganoon din ang mga paglapat niya ng tunog. Aminado si Direk Carlo na bilang baguhang direktor na sa EBC Films palang nag-umpisang umikot sa pagdidirek ang kanyang buhay ay napakarami pa niyang dapat matutunan sa pagdididrek. Pero nangako siyang sa mga paparating pa nitong proyekto ay lalo pa niyang pag-iigihan ang kanyang obra. Pangarap din niyang makilala bilang isang mahusay na direktor dito sa ating bansa kaya naman ganoon nalang siya ka-passionate sa kanyang ginagawa. 
GUERRERO DOS is the third film venture of EBC Films in the production of inspirational movies. EBC Films hopes that the film will make people laugh and cry but most importantly, it wants to inspire Filipinos here and around the world to face life with optimism no matter they may go through and to fight for their faith!
Ipapalabas din internationally ang Guerrero Dos pagkatapos itong maipalabas sa ating bansa ngayong Nobyembre!

No comments:

Post a Comment