Hindi namin puwedeng hindi purihin ang ipinakitang galing ng baguhang child actor na si Julio Sabenorio sa pelikulang Guerrero Dos ng EBC Films. Naimbitahan kami sa advance screening ng ipinagmamalaking pelikula ng multi-awarded Director na si Carlo Ortega Cuevas na ginanap sa INC Museum Theatre.
Baguhan man sa mundong kanyang ginagalawan pero kung umarte ang bagets ay napaka-natural at mapapabilib ka sa kanya. Bawat bitiw niya ng linya sa pelikula, yung mata niyang nangungusap at reaksiyon, as in napa-wow kami sa galing niya huh! Kung umarte ay parang beteranong aktor na sa mundo ng showbiz huh! Mula umpisa ng pelikula ay binantayan namin ang pag-arte niya hanggang sa huli. May isang eksena siyang hindi namin namalayang umiiyak na pala kami dahil pakiramdam namin ay kami ang kanyang ka-eksena. Mahusay na artista si Julio Sabenorio at kapag nabigyan siya ng mas maganda pang proyekto na magbibigay ningning sa kanyang galing ay sigurado kaming makikilala pa ng husto ang bagets.
Homegrown talent pala ng EBC Films si Julio at nung tanungin namin ito kung bakit ganoon nalang siya humugot sa mga eksena niya?
" Ginagawa ko lang po kung ano po ang sinasabi sa akin na gawin ko po sa movie at kung ano po yung nasa script. Nilalagay ko lang po sa sitwasyon or karakter kopo ang aking sarili kaya po siguro nagagawa kopo ng maayos ang mga eksean kopo sa movie. Tapos, naiisip ko rin po ang mga totoong buhay namin, kaya po siguro. " aniyang mahabang paglalahad pa sa amin nang interbyuhin namin ito after the screening.
Star material ang baguhang male actor na ito. Promise yan. Kaya naman papanoorin parin namin during the regular showing ang movie dahil gusto naming balikan ang galing ni Julio!
2017 nang parangalan namin siya sa PMPC Star Awards Bilang Best Child Actor. Ginagampanan niya ang role sa movie bilang ang batang Miguel who brings smile and joy to everyone he meets. Basta. Pakahusay niya sa movie at panalo ang batang ito. Ako na mismo ang nananawagan sa iba pang tv networks! Jusko! Bigyan natin ng pagkakataon ang bagets!
Guerrero Dos tackles life's ups and downs kaya naman interesting siya. Ginawa po ang pelikulang ito to inspire Filipinos here and around the world to face life with optimism no matter what they may go through and to fight for their faith!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
-
THANKFUL si Yuki Sonoda sa oportunidad na binigay sa kanya ng 316 Media Network ni Len Carrillo sa pagkakabilang niya bilang isa sa tatlon...
No comments:
Post a Comment