CLIQUE V MARCO GOMEZ LALONG GUMUWAPO AT SEKSI

Isang surprised birthday celebration ang ibinigay ng 316 Events & Talent Management sa pangunguna ni Ma'am Len Carillo kay Clique V Marco Gomez na ginanap sa isang Villas ng Maxims Hotel kasama ang buong Clique V at Belladonnas at ilang malalapit na kaibigan sa FamiLen. Hindi alam ni Marco ang naturang birthday sorpresa ng kanyang FamiLen. Mangiyak-ngiyak si Marco nang salubungin siya ng kanyang FamiLen at batiin. Kitang-kita naming masaya naman si Marco kahit alam naming medyo hindi kumpleto ngayong taon ang kanyang kaarawan dahil nitong taon lang din ay namatay ang kanyang Ama. Medyo may lungkot pero hindi ito ipinaramdam sa amin ng binata bagkos ay ipinakita nitong masaya na rin siya at napakaraming nagmamahal sa kanya. Isa si Marco sa orihinal na miyembro ng Clique V at patuloy na nangangarap na one day ay mabibigyang pansin din siya sa mundong kanyang ginagawalan hindi lang bilang isang magaling sumayaw at kumanta kundi ang makilala rin bilang isang magaling na aktor. 
Naisalang narin sa ilang television appearances si Marco at ang pinakahuli niyang ginawa ay ang pelikulang Kid Alpha One na pinagbibidahan ng baguhang action star na si Javi Benitez. Ginampanan ni Marco ang role bilang ex-boyfriend ni Sue Ramirez at ayon kay Marco, masaya na siya na sa ganoong kaliliit ( ngayon ) na exposures ay nahahasa ang kanyang pag-arte. May future naman talaga si Marco dahil hindi lang siya guwapo kundi matangkad pa ito at marunong umarte. Sa mga nangyayari ngayon sa kanilang grupo sa Clique V na ratsada sa mga out of town shows ay masayang ibinalita sa akin ni Marco na walang makakapantay sa pagiging solid nilang lahat at mahal na mahal na raw nito ang kanyang grupo na almost 3 years na rin nilang inaalagaan at improving! Naisalang na rin ang buong Clique V sa programang Your Moment ng Kapamilya Network. Sina Karl Aquino naman at Gelo Alagban ay contract artist na rin ng GMA Kapuso Network at si Kaizer naman ay naging bahagi naman ng Artista Teen Quest ng IBC Channel 13! Wala diumanong masama sa paghihintay dahil kasama daw yun sa pagtupad ng isang pangarap. Ang magtiyaga at mahalin ito. Ganoon naman sa showbiz. 

No comments:

Post a Comment