Sa isang kaswal na usapan ay naikuwento ni Direk Mac Alejandre ang storyline ng pelikulang The Annulment na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Joem Bascon. Inunahan na namin ito na sa trailer palang ay matino ang movie at hindi pocho! Well, the movie tackles problems patungkol sa mag-asawa. Ipapakita sa pelikula kung paano hinarap ng mag-asawa ang mga pagsubok sa kanilang buhay na humantong nga sa hiwalayan sa pamamagitan ng annulment. Medyo malalim nga ang istorya ng movie but difinitely ay magbibigay aral ito sa manonood at kapupulutan rin. Isang pelikulang napapanahon na bibigyang buhay nina Lovi Poe at Joem Bascon who did very well huh! Hindi na rin dapat kuwestiyunin ang pag-arte ng dalawang bida dahil mula sa kanilang mga nagawang proyekto mapa-pelikula man o sa telebisyon ay maipagmamalaki mo ang kanilang kahusayan. Bet na bet ko personally si Direk Mac Alejandre bilang isang magaling na direktor mula pa noong 90's! Bagets ang peg ni Direk Mac at hanggang ngayon ay humahataw pa rin sa kanyang craft huh!
Sa aming tsikahan, biglang nabanggit ni Direk Mac na he's already 58 and 2 years from now ay senoir citizen na siya. Excited na nga raw si Direk Mac na makuha o magkaroon ng kanyang sariling senior citizens i.d noh! Minsan daw kasi nung kumain sila ng kanyang Mama sa isang restaurant ay nainggit na siya sa senior citizen card ng kanyang Mama na napakalaki ang nakukuhang discounts eh siya naman daw ang nagbabayad! Natawa kami kay Direk sabay sabing maganda ang pelikulang The Annulment niya dahil magaling din ang kanyang artista.
Inamin nitong in 13 months ay tatlong pelikula ang kanyang ginawa at isa nga rito ay itong The Annulment ng Regal Entertainment plus may dalawang Indie paraw siyang ginawa na hindi pa pinapalabas!
Excited na si Direk Mac sa showing ng The Annulment ngayong November 13. Nangako ang sikat na direktor na hindi ka magsisisi kung bakit mo pinanoood ang movie.
Sabi nga sa linya sa trailer ng pelikula na WHAT WILL HAPPEN WHEN THE BEST PART BECOME THE WORST? Naku! Watch the movie!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
-
THANKFUL si Yuki Sonoda sa oportunidad na binigay sa kanya ng 316 Media Network ni Len Carrillo sa pagkakabilang niya bilang isa sa tatlon...
No comments:
Post a Comment