Nitong araw ng Martes, September 10 ay tuluyan ng ipinakilala sa pageant bloggers and entertainment media ang 31 gentleman na kasali ngayong taon para sa Mister Grand Philippines na ginanap sa Ballroom C ng The Winford Hotel & Casino sa Manila. Sa ikalawang taon ng naturang male pageant ay proud na proud ang President and CEO ng Megamodels Events And Talent Management nitong si Meg Perez sa pagsasabing mas lalo pang lalaki at lalawak ang kanyang MGP sa mga susunod na taon.
" The inaugural pageant last year has brought a record of International wins from our roster of title holders. Isa na diyan si David Simon Reyes na currently employed Flight Attendant ng Phililpine Airlines at nanalong 2nd Runner-Up sa Mister Grand International 2018 na ginanap sa Albay. Si Mark Paul Espelita na Mister Grand Model of the World 2018 ay naging 1st Runner-Up in Mister Model of the World held in Yangon, Myanmar and Kerr Michael Cruz Mister Grand Tourism 2018 won Mister Tourism Ambassador World 2018 sa Kota Kinabalu, Malaysia na has just been launched as GMA Artist with his own Teleserye na isa ng Kapuso Artist. " pagkukuwento pa ni Meg Perez na mas nakilala namin bilang si Ghimby Perez.
This 2019 ay anim ang kokoronahan para sa anim na International Titles and 4 runners-up in the grand finale sa September 19 na gaganapin sa Convenarium ng Crossroads Center ganap na ika-8 ng gabi! Ang mga titles na ibibigay sa ganing yun ay ang Mister Grand International, Mister Prime Universe-International, Mister Tourism Globe International, Mister Icon World, Globan Man International at Men International.
Bongga ang Mister Grand Philippines dahil meron silang opisyal na benefeciary ang The Art Of Giving Foundation. Ang production, management and staging of Mister Grand Philippines 2019 in under Pillora Creative Events International with the creative and collaborative efforts from FDAP.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
-
THANKFUL si Yuki Sonoda sa oportunidad na binigay sa kanya ng 316 Media Network ni Len Carrillo sa pagkakabilang niya bilang isa sa tatlon...
No comments:
Post a Comment