JED MADELA DI TALAGA MATITINAG ANG GALING SA PAGKANTA

After the success of WCOPA 2019 na ginanap sa Los Angeles kung saan sandamakmak na medalya naman ang naiuwi ng ating representatives mula sa iba't ibang regions ng bansa ay lumipad pabalik Amerika last August si Jed Madela para sa isang Higher Concert The 15th Anniversary Concert Tour na ginanap sa Four Points by Sheraton Pavillion, San Diego, California. As usual, jampacked at full-packed ang venue that night. Kitang-kita ito sa instagram post ng world-class singer at performer. Abot langit naman ang pasalamat ni Jed sa mga nagpunta sa naturang gabi kung saan ayon pa sa ilang post ng nakapanood ay sulit talaga ang ibinayad nilang dollars para panoorin ang isang Jed Madela. Pinasalamatan na rin ni Jed ang lahat ng kanyang fans and followers mula sa iba't ibang bahagi ng mundo na laging pumupuno ng kanyang concert venue. Ayon kay Jed, wala na siyang mahihiling pa sa kanyang karera ngayon bilang isang sikat at nirerespetong singer na kilala sa buong mundo. Pagbalik niya naman galing Amerika ay kaagad naman sumabak sa guestings sa telebisyon si Jed. Pagod man ay kailangan niyang gawin ang kanyang commitments dito sa bansa. Minsan nga ay natatawa nalang kami sa post ng sikat na singer lalo na ang kanyang pag-inda ng pagod pero lagi namin itong sinasabihang blessed siya kaya napakarami niyang trabaho. 
Inaabangan na rin ang nationwide concert tour ni Jed Madela kung saan isang producer naman ang natuwa sa kanya from the success of Jed's series of fullpacked and jampacked concerts and shows! Panalo! Yan ang tunay na mahusay! 

No comments:

Post a Comment