Nitong biyernes ng gabi lang, sa kanyang instagram account post ay marami ang naantig sa larawan ni Seth Fedelin na nakatayo sa tabi ng isang simple pero kumikinang na christmas tree kasabay ang mga katagang " Dati pangarap ko lang ang ganitong christmas tree, sana maging masaya at masagana ang ating parating na kapaskuhan ".
Isang maikli subalit makabuluhang kataga ng isang napaka-simpleng binatang hindi nag-akalang unti-unti na nitong natutupad ang kanyang dati lang din ay mga pangarap hindi lang para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang buong pamilya. Lumaking sablay sa pangangailangan sa buhay subalit ngayon ay binubuhusan ng naga-gandahang biyaya sa tulong ng mga taong nagbigay tiwala sa kanyang kakayahan bilang isang baguhang aktor sa mundo ng pelikula at telebisyon.
Sa aking maikling tanong kay Seth na sinagot niya naman sa pamamagitan ng isang text message, sinabi nitong mapalad siya dahil hindi lahat ay nabibigyan ng magandang oportunidad sa mundo ng showbiz. Partikular kong tinanong kung bakit ganoon nalang ang kanyang post nitong gabi at ganoon nalang ka-halaga sa kanya ang simbolo ng isang Christmas tree?
" Nasanay po ako sa maliit lang po na Christmas tree Tito eh. Tapos kada-taon po, yun at yun yung christmas tree namin. Pagkatapos ng Pasko at Bagong taon, nililigpit ulit. Kaya po siguro tuwang-tuwa ako sa christmas tree naming ito ngayon. Mas maganda, malaki na, tapos may pailaw pang kumukutitap, ang sarap sa pakiramdam Tito. " paglalahad pa ni Seth.
Makabagbag damdaming sagot ni Seth na walang ibang hiling kundi ang maging masagana na simula ngayong Paskong parating ang kanilang kapaskuhan! Posible ang lahat dahil kitang-kita naman ang pagiging masipag ni Seth sa trabaho para sa kanyang mga magulang at para sa pamilya!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Nag-umpisa ang lahat o naging ugat ng lahat ng samut-saring panghuhusga ang hiwalayang KathNiel last year. Kung anu-ano na ang sinasabi ng m...
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
No comments:
Post a Comment