CLIQUE V BUONG-BUO PA RIN

Hindi natinag ng kanegahan ang all-male-group na Clique V. Naging matatag sila sa kabila ng mga pagsubok na dumating sa kanila nitong mga nakaraang buwan. Mula siyam na miyembro nito ay anim nalang ang nanatili sa grupo. Nagkaroon kasi ng problema sa tatlong umalis sa grupo na may ginawang kabalbalan na hindi puwede sa pamamahala ng manager nilang si Len Carillo. Ang matatag na anim na naiwan ay sina Marco, Sean, Karl, Gelo, Calvin at Kaizer. After maging finalist nina Karl at Gelo sa latest season ng Starstruck 2019 ay busy ang dalawa sa kanilang pag-aaral at pagsayaw na kasalukuyang naghihintay rin kung anong plano sa kanila ng GMA 7 bilang mga Avengers. Si Marco naman ay mukhang nalilinya naman sa pag-arte kung saan nagkaroon naman ng tv guestings kamakailan lang. Si Sean naman ay busy rin sa school at pinagsasabay din ang commitment sa Clique V. Sina Kaizer at Calvin naman ay todo-rehearsal naman kasama ang buong grupo. Whe  asked about sa kanilang totoong estado ngayon bilang male group, masayang ibinalita sa amin ng mga bagets na masaya sila at tuloy pa rin ang buhay. May panawagan naman sila sa mga kasamahang iniwan sila na mas maganda ang maayos ang buhay at pagtupad sa pangarap. Yun diumano ang nakita nila sa pamamahala sa kanila ng 316 Events and Talent Management kaya hindi sila kumakawala sa grupo. Nanindigan ang final 6 ng Clique V na hinding-hindi nila kayang iiwan ang kanilang Nanay Len dahil naging malaking instrumento diumano ito upang maging masaya at maayos ang kanilang mga buhay. Aside from being busy sa kanilang pag-aaral at pagsasayaw, natutuwa rin daw ang Clique V sa ginagawa nilang charity works!

No comments:

Post a Comment