JON LUCAS MAHUSAY SA PELIKULANG MARINEROS

Naimbitahan kami sa celebrity premiere night ng pelikulang MARINEROS sa Cinema 7 ng SM Manila last Sunday evening. Dumating ang cast/ lead actors nitong sina Jon Lucas, Clair Ruiz, Jeff Gaitan, Ahron Villena at Michael De Mesa. Matino ang pelikulang ito ni Direk Anthony Hernandez. Para siyang mainstream movie. Hindi ganoon ka-glossy ang film pero hindi mo na iyon iisipin dahil lahat ng bida sa movie ay talagang magagaling. Unahin ko si Clair Ruiz na lagi kong nakikita sa episodes ng MMK na magaling talaga. Si Jon Lucas na subok na rin ang kahusayan sa pag-arte noon pa. Even Ahron Villena na yummy na ay magaling pang aktor. The most is Michael De Mesa na ginampanang mabuti ang kanyang role bilang isang Seaman na nabulag. Maganda ang editing ng movie lalo na ang paglapat ng tunog nito na talagang nagdagdag buhay sa pelikula. Maganda ang istorya ng movie na halatang ginawa para talaga sa ating mga kababayang Marineros na pamumuhay sa gitna ng karagatan ang puhunan para matugunan ang pangangailangan ng bawat pamilyang nakaabang. Maganda rin ang pagkakadirek ng movie. Naku. Panoorin ang pelikulang ito na mukhang sa Bohol lahat kinunan! Showing na ngayong September 20 ang pelikula. 

No comments:

Post a Comment