MAIINIT NA EKSENA NINA TONY AT ANGEL SA GLORIOUS....INAABANGAN NA NG BUONG MUNDO!

Masayang humarap sa Entertainment Media & Bloggers ang dalawang kontrobersiyal na aktor ng pelikulang " Glorious " na sina Angel Aquino at Tony Labrusca kasama ang Direktor nilang si Connie Macatuno pagkatapos mag-viral sa social media ang trailer ng kanilang pelikula na sa kasalukuyan ay umaabot na sa 13 Million views mula sa pahina ng Dreamscape Digital. Kitang-kita ang saya sa mukha nina Tony at Angel dahil kahit sila raw mismo ay hindi makapaniwalang magte-trending sila at aabot sa milyon ang bilang ng magkakagusto sa trailer palang ng kanilang pelikula na mapapanood na natin simula ngayong November 17 sa IWant na dating IWantTV. Maaring naging curious ang lahat sa dahilang grabe naman talaga ang laplapan nina Tony at Angel sa ipinakitang trailer at may labasan pa ng dila sa isang eksena nila sa pelikula. Intriguing ang pelikulang ito na mapapanood natin digitally na hindi na kailangang dumaan pa sa censorship kaya naman walang puputulin sa mga maseselang eksena na kailangang ipakita sa kabuuan ng pelikula. I like the script lalo na ang bagong tandem nina Tony at Angel na swak na swak sa timplada ng tatakbuhing istorya ng movie. Tatalakayin sa movie ang salitang pag-ibig. Ipapakita sa pelikulang ito na pagdating sa pag-ibig ay wala itong pinipiling edad at kahit sinuman ay puwedeng mahalin o magmahal ng walang pinipiling lugar o sitwasyon! Medyo sensitive ang film pero magbibigay ito ng napakagandang leksiyon sa bawat isa sa ating dapat umalagwa sa pag-ibig! Na kapag mahal mo at gusto mo ang isang tao, ipaglalaban mo ito harangan ka man ng langit at lupa! Basta! Ang ganda ng pagkakagawa ni Direk Connie ng pelikulang ito nina Tony at Angel! In-fairness, both Tony and Angel nailed it! Bago nagtapos ang presscon ay tinanong ko ang dalawang bida kung anong eksena sa pelikula ang ginawa nilang tumatak sa kanila. Naging deretsahan naman sina Tony at Angel sa pagsasabing ang ' cake scene ' ang minahal nilang dalawa! Bongga naman talaga ang naturang eksena dahil may pa-linyang " ang sarap " pa doon si Tony! Naku! Naku! Naku! Basta! Excited na ako!

No comments:

Post a Comment