JED MADELA...EXCITED NA SA HIGHER THAN HIGH CONCERT NIYA SA ARANETA NGAYONG NOVEMBER 16!

Nung nasa planning stage palang ang Jed Madela XV Higher Than High Concert ni Jed Madela na mangyayari na ngayong November 16 sa Araneta Coliseum ay bukambibig ng World-Class Singer/Performer ang salitang nerbiyos. Lagi-lagi niyang nababanggit ito sa akin personally habang kausap ko siya o kasama. Minsan, nagsabi pa siyang baka hindi niya kayang punuin ang buong Araneta na halatang may pangamba siya sa kanyang kakayahan bilang isang sikat na singer/ performer. Ganoon si Jed Madela. He's sobrang napaka-totoong tao at kung anong nararamdaman niya, open siyang sinasabi ito ng deretso! Sa lahat ng pangamba niyang sinugalan ng CCC Productions, bilang naniniwala sa kanyang kakayahan kung saan napakarami na niyang pinatunayang standing ovation at full-packed concerts hindi lang sa ating bansa kundi lalo na abroad ay lagi kaming positibo sa pagsasabing kayang-kaya niyang punuin ang Araneta. Just two days ago nang makausap ko si Jed dahil tinawagan niya ako upang mangamusta, tinanong ko ulit siya kung kinakabahan pa rin siya since 8 days to go nalang ay big concert na niya!
" Kuya Dom, honestly, hindi na ako kinakabahan eh! Mas nandoon na ako sa pakiramdam ng excitement. Excited to perform sa harap ng manonood sa akin. Excited to give something special sa kanila. Excited to do things with my guests! Ganoon na yung pakiramdam ko now. Hindi ko na iniisip ang takot or pressure. Bast ako, i will make it a point na sa lahat ng manonood sa akin that night ay magiging memorable sa kanila ang November 16! This will be a very nice and beautiful concert na sa ngayon palang ay proud na ako. Ibang-iba ang concert na ito sa mga naging concerts ko! " sez Jed Madela.
Masayang ibinalita rin sa akin ni Jed ang line-up of guests niya tulad nina Lea Salonga, Vice Ganda at Regine Velasquez! Well, sa ngayon palang ay isang bonggang CONGRATULATIONS JED!!!

No comments:

Post a Comment