LEANDRA BATINGAN...HANDANG-HANDA NA FOR MISS TEEN UNIVERSAL 2018!

Mula sa mga patimpalak na Miss Campus Role Model 2015, Teen Model Philippines 2016, Miss Tanglawan 2017, Reyna Ng Singkaban 2018, Miss Eco-Nest 2018 at Miss Earth-Philippines 2018 ay handang-handa na si Leandra Batingan for this year's Miss Teen Universal na gaganapin sa Bali, Indonesia ngayong December 3, 2018. Kahit medyo kinakabahan ay gagawin diumano ni ' Lean ' ang lahat nang kanyang makakaya bilang representaive ng ating bansa for the first time. Para lang makilala pa natin si Lean, she's only 18 years old and stands 5'8 inches, morena looking at kasalukuyang nag-aaral sa College of Saint Anthony sa San Jose Del Monte, Bulacan taking-up Humanities & Social Sciences kung saan nasa grade 12 na siya. Sa aming pakikipag-usap sa dalaga ay nakita namin ang pagiging witty nito. Hindi lang ganda ang taglay niya kundi mautak ang dalaga. Nagmula sa isang simpleng pamilya si Lean kung saan isang Brgy. Chairman ang kanyang Ama sa Gumaoc East sa Bulacan at isa namang plain housewife ang kanyang Ina. Mahilig talagang sumali sa mga beauty pageant si Lean dahil pangarap niyang makilala bilang isang Beauty Queen. Nakilala niya diumano si Maam Len Carillo nang sumali siya sa Circle Of 10 kung saan pumasok siya sa Top 10 Girls at mula noon ay 316 Events & Talent Management na ang humawak sa kanyang career. Naging maganda diumano ang pakikisama ng dalaga at buong family nito sa kanyang management kaya todo-suporta ang 316 especially si Maam Len Carillo para sa pangarap ng dalaga. Paalis na ngayong November 27, 2018 si Leandra papuntang Bali, Indonesia kaya naman dasal niya'y sana suportahan natin siya sa kanyang journney this time! Goodluck Lean! Bring home the crown!

No comments:

Post a Comment