QUEEN MOTHER KARLA...ISANG BONGGANG DIGITAL CONCERT ANG HANDOG SA KANYANG KAARAWAN NGAYONG NOVEMBER 21!

Isang bonggang birthday concert ang gagawin ni Queen Mother Karla Estrada ngayong November 21 sa pamamagitan ng One Music Live. Kaarawan mismo ito ni Queen Mother kung saan she's turning 44 years old na! Ayon kay Karla nang makausap ko ito lately, simpleng selebrasyon lamang ito para sa kanyang espesyal na araw, ang maghandog ng isang birthday concert sa kanyang mga tagahanga at isang simpleng family and friends dinner sa kanyang bahay after the concert. 
" Ang dami nating naging priorities this year Dom. Kaya this year, ayan, isang simpleng concert ang naisip namin para sa mga tagasuporta natin thru One Music Live na gagawin natin mismo sa araw ng birthday ko. Then, siguro, isang simpleng dinner lang dito sa house para sa family and friends. Ganoon lang ka-simple ang birthday natin this year. Ang mahalaga ay yung healthy tayo palagi at blessed sa dami ng trabaho, by that, hindi kona siguro kailangang mag-wish pa dahil sobrang biyaya ang ibinigay sa atin. So, pray and mahalin natin ang trabaho natin at yakapin ang mga biyayang ito Dom. Pasalamatan ang mga taong patuloy na nagbibigay ng tiwala sa atin. " sez Queen Mother.
Totoo yun! Buhos-buhos ang biyaya sa Familia Ford kaya naman wala na diumanong mahihiling pa ang aking kaibigan. Nandiyan ang kanyang regular weekday show na Magandang Buhay at out of town commitments. Kasama na rito ang lalo pang paglago ng kanyang Queen Mother Saloon at success sa career ni Daniel ganoon din ang pagpasok ng endorsements!
Marami pa kaming napagkuwentuhan ng kaibigang Queen Mother pero nakiusap siyang confidential pa ang mga ito at sa totoo lang ay excited na ako! Sa trulaley lang! 
Ang " Karla...The Music Within " ay sa November 21 na sa One Music. Tickets available at KTX website. Just type http://bit.ly/OneMusicKARLA 

No comments:

Post a Comment