NEWCOMER FILM DIRECTOR GISELLE ANDRES...NAGSIMULA BILANG PD AT AD!

Hindi na rin paaawat pa si Direk Giselle Andres! Ang up and coming film director ay isa sa pinaka-talented and brilliant homegrown directors ng Star Cinema. Si Direk Giselle Andres ang tumahi sa istorya ng nakamamanghang mundo nina Sasha ( Kris Aquino ), Zoey ( Julia Barretto ) at Joko ( Joshua Garcia ) via the movie I LOVE YOU HATER na showing na ngayong July 11 in cinemas nationwide! Humble beginnings ayon pa kay Direk Giselle Andres dahil nagsimula siya bilang isang production designer. Just last year, 2017 ay nabigyan naman siya ng oportunidad upang iderehe ang kanyang first full-length movie na LOVING IN TANDEM bilang debut movie nina Maymay Entrata at Edward Barber. Ayon pa kay Direk Giselle, malaking bagay sa kanyang career bilang isang direktor ang maka-trabaho ang JoshLia loveteam lalong-lalo na diumano ang maka-trabaho niya ang nag-iisang Queen Of All Media na si Kris Aquino! Nagu-umapaw naman ang pasalamat ni Direk Giselle sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng Star Cinema. Aniya, wala naman siyang ibang wish kundi ang makagawa ng mga pelikulang maipagmamalaki niya. Pinangarap din daw ito ni Direk Giselle that's why sa bawat film project na ipinagkakatiwala sa kanya ng kanyang mother studio ay ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya! Patunay lang ito na kapag ginusto mo ang isang bagay, pagsikapan mo talagang makuha mo ito dahil sa iyong tiyaga at pagmamahal sa trabaho! Well, bukod sa pagiging romantic-comedy ng pelikulang ito, nagbibigay din ang I Love You Hater ng mahalagang pagtalakay sa social media kung saan ipapakita ng pelikula kung gaano ka-halaga ang katotohanan sapagkat maari itong mabago sa pamamagitan ng social media. Kaabang-abang ang pelikulang ito dahil sa trailer palang ay aliw na aliw na kami sa tatlong characters nitong sina Joshua Garcia, Julia Barretto at Kris Aquino! 

No comments:

Post a Comment