JOSHUA GARCIA AT JULIA BARRETTO....GRABE ANG CHEMISTRY!

Sa ika-25th Year Anniversary ng Star Cinema ay pinagsamang muli sa pelikulang I LOVE YOU HATER ang tambalang JOSHLIA kasama ang nag-iisang Queen Of All Media na si Kris Aquino. Parehong itinuring na good role models sina Joshua at Julia para sa kabataan ayon na rin sa pagiging mabuting anak nila sa kanilang mga magulang. Mula sa mga pelikulang Vince, Kath And James, Love You To The Stars And Back at Unexpectedly Yours, sa ikaapat na pagkakataon ay sanib-puwersa muli ang JoshLia sa pelikulang I Love You Hater ng Star Cinema. Hindi natin maikukubling individually ay parehong accomplished sina Joshua at Julia bilang mga batang aktor sa kanilang impressive body of work mapa-pelikula man o telebisyon! Like Joshua Garcia na talaga namang pinag-usapan siya sa taglay niyang galing na ipinamalas sa teleseryeng The Greatest Love at The Good Son at si Julia Baretto naman sa teleseryeng A Love To Last. Kaabang-abang ang mga karakter nina Sasha ( Kris Aquino ), Zoey ( Julia Barretto ) at Joko ( Joshua Garcia ) sa pelikulang ito na sa trailer palang ay aliw na aliw na kami mula sa direksiyon ni Giselle Andres na isang homegrown talented director ng Star Cinema. Sina Rona Co at Kristine Gabriel naman ang sumulat sa istorya ng pelikulang ito na showing na ngayong July 11 in cinemas nationwide!

No comments:

Post a Comment