CINCO BOYS...HAHATAW NA!

Grabe ang fans and followers ng cutest male group na Cinco Boys! Sa katatapos lang na Track 01-The Ignition Show na ginanap sa SM North-Skydome ay personal kung nasaksihan kung paano umariba sa entablado ang Cinco Boys na inaalagaan ko ngayon under Kristian Kabigting--The Manager! Naipakilala sa akin lahat ni Kristian isa-isa ang limang nagu-guwapuhang bagets na sina Adel, Basty, Carl, Dex at Emman! Sa totoo lang, may x-factor sila! Walang kiyeme at hindi feeling! Simpleng mga bagets na gagaling sumayaw at kumanta. May kanya-kanya silang karakter na kagigiliwan mo dahil ma-PR sila na sa tindig palang nila ay masasabi mong artistahin sila at ang lalakas ng sex appeal. Ayon sa manager nilang si Kristian Kabigting, nabuo pala ang Cinco Boys sa pamamagitan ng Star Magic Workshop! Doon nagkakilala ang bawat isa hanggang sa magdesisyon si Kristian na magtuloy-tuloy na sa kanyang plano. This year lang finally naipakilala sa madlang pipol ang Cinco Boys nang maganap ang kanilang concert show sa Music Museum noong month of March! Doon na rin nagsimulang umariba ang career ng mga bagets na hindi nawawalan ng show. Nakita ko rin kasi kung paano magtrabaho ang kanilang manager na si Kristian Kabigting. Maliit na tao pero ang enerhiya sa trabaho at pagbibigay ng trabaho at pagpa-plano sa kanyang mga alaga ay talagang tutok si Kristian at may focus kung aniong gusto niyang mangyari sa mga alagang Cinco Boys. Patuyloy ang raket out of town ng mga bagets na soon ay magre-record na ng kanilang kauna-unahang digital single. Patuloy ang kanilang voice lessons sa Voice Camp Philippines at naka-schedula na rin sila para sa kanilang mas matinding pagsabak sa dance floor dahil si Teacher Georcel naman ng G-Force ang kanilang makakaharap soon! Sa nakikita ko sa mga bagets, posibleng masasabak din ang ilan sa kanila sa pag-arte sa harap ng kamera dahil lahat sila ay artistahin talaga! Well, ano sa palagay mo Kristian Kabigting? Congrats Cinco Boys! Today po ay may photoshoot naman ang Cinco Boys! For booking and inquiries you can call 0917-1798211!

No comments:

Post a Comment