Halatang masaya naman at walang dinadala o bitbit sa dibdib ang guwapong Vice-Governor ng Cavite na si Jolo Revilla nang dumating ito kanina para sa isang intimate lunch interview para sa promo ng pelikulang TRES ng Imus Productions. Galing pa pala si Jolo sa isang hearing ng kanyang Daddy na si Senator Bong Revilla.
" We will always remember lahat ng mga taong sumama sa aming magdasal upang mapabilis ang kaso ng Daddy ko. Sa lahat ng taong nakisama sa amin, nagdasal at nagmahal sa Dad ko, tini-treasure po namin ito. Wala akong ibang wish na sana matapos na ang kinakaharap naming pagsubok ngayon sa pamilya. " bungad pa sa amin ni Jolo Revilla.
Mukhang linya talaga ni Jolo Revilla ang mundo ng pulitika. Just like his Dad, bilang kasalukuyang public servant ng Cavite, napakarami palang gustong gawin ni Jolo Revilla sa kanyang sinasakupang bayan. Kaya naman, for the past 8 years na nagpahinga sa showbiz ay nag-aral ito ng ilang kurso that will help him uplift his brain or knowledge about being a public servant!
" Dapat talaga ganoon! Since ako ang nandiyan, bilang isang public servant, hindi ka lang magta-trabaho diyan to serve your people, dapat, isabay mo rin ang learning mo into more things kung anuman ang trabaho mo. We can never tell kasi what will happen in the future and dapat alam mo rin at may alam ka. " aniya.
Kamakailan lang ay nagtapos naman siya ng isang kurso sa LPU Manila. Dito niya sinabing mahala ang pag-aaral na kapag ginusto mo ay kaya mong tapusin kahit pagsabayin mo pa bilang isang politician at artista!
" Yes. I dedicated that to my family, friends and loved ones kasama na ang lahat ng taong tumulong sa akin para magawa ko at makuha ko ang pagtatapos na yon. " aniya.
Balita rin namin na this coming September ay aalis naman siya patungong ibang bansa upang mag-aral?
" Yes. This September, am going to Harvard. It's actually a short course lang naman in preparation sa future natin sa politics. Gusto ko talagang mapag-aralan lahat. Gusto ko pang palawakin ang aking kaalaman pagdating sa politics, it's actually a short course na alam kong malaking bagay ito para sa akin. Tulad nung sa LPU, alam ng ilang professors ko na nasa politics din ako, sila mismo ang nagsasabi sa akin na i need to take-up this course and that kaya ginagawa ko talaga. " aniyang kuwento pa sa amin.
Ang alam namin, almost 8 years siyang nawala sa eksena ng showbizlandia. Ito yung mga panahong silang dalawa pa ni Jodi Sta. Maria ay mag-ON na lately lang ay lumabas naman ang balitang OFF na sila! Actually, nung mabalitaan ko ito, i personally texted Jodi about it at hindi ito sumagot sa aming text! That even Jolo nung time na lumabas ang isyu, kibit-balikat lang ito at nakiusap pang huwag nalang ito pag-usapan na ang naging sagot niya lang sa amin that time ay okey lang siya at masaya lang sa kanyang trabaho! Hanggang sa ngayong araw, dated June 28, 2018, finally ay nagbigay na rin ng kanyang maikling sagot si Jolo Revilla dahil kinulit na rin siya ng entertainment media about the said issue!
" Gusto niyo ba talaga sagutin ko yang issue na yan? Ha Ha Ha. " bungisngis pa nitong tsika sa amin.
" Ah...mahal ko yun! 8 years yun! Ah...si LORD nalang bahala kung saan kami hahantong! " aniyang walang kiyemeng tugon sa press and bloggers!
Sa trilogy movie'ng TRES na comeback movie ng Imus Productions after 6 years na huminto sa pagpo-produce ay bibida si Jolo sa episode nitong 72 Hours kung saan gaganap naman siya bilang isang taga-PDEA mula sa direksiyon ni Dondon Santos. Ayon kay Jolo, maaksiyon ang pelikula at ibang Jolo Revilla naman ang ating makikita. Aminado si Jolo na ilang taon din siyang hindi lumabas sa telebisyon at pelikula kaya nung umpisahan niya diumanong mag-shooting sa pelikulang TRES ay nakaramdam siya ng excitement! Something new diumano ang role niya sa movie na ito na magiging official entry ng Imus Productions sa nalalapit na Pista Ng Pelikulang Pilipino ngayong Agosto na!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
-
THANKFUL si Yuki Sonoda sa oportunidad na binigay sa kanya ng 316 Media Network ni Len Carrillo sa pagkakabilang niya bilang isa sa tatlon...
No comments:
Post a Comment