BRYAN REVILLA...GAGANAP BILANG SI VIRGO!

After 6 years ay muling magbabalik ang Iconic Imus Productions sa paggawa ng pelikula via TRES. Isang trilogy movie kung saan ang tatlong guwapong Revilla Brother's na sina Cavite Vice-Governor Jolo Revilla, Bryan Revilla at Luigi Revilla ang bibida. Sa katatapos lang na intimate interview namin kay Bryan Revilla na bibida sa VIRGO episode ng TRES ay naging deretsahan ang binata sa pagsasabing sabik siyang muling umarte sa harap ng kamera. Sampong taon na pala ang nakaraan nang magdesisyon ang binata na huwag na munang lumabas sa telebisyon at pelikula. 
" It was Kamandag with Richard Gutierrez, kontrabida niya ako that time, that was the last project na ginawa ko. " bungad pang tsika sa amin ni Bryan. 
Bakit nga ba siya huminto that time?
" I just need to finish school. I took-up Consolar In Diplomatic Affairs then dapat maglo-Law ako kaso lang i need to run our family business which is a Manpower Employment. Ang dami pang ibang bagay na anything na negosyo ng family, sa akin yan! Kaming tatlo ay may kanya-kanyang mundo. Like si Jolo na he's into politics tapos si Luigi may business na rin. Yun! " aniyang muli sa amin.
Kilala ang mga Revilla bilang pamilya ng pulitika. Hindi rin ba naisip pasukin ni Bryan ang pulitika?
" No! I don't think it's for me. Pero siyempre ayoko rin namang magsalita ng patapos dahil hindi rin natin masasabi kung anu-ano ang mangyayari pa in the future. Just like now that i just wanted to focus on myself and other stuff just like this movie na kaming tatlo ay excited na pare-pareho! " aniya.
Ano naman ang reaksiyon niya kapag sinasabi nilang matinik sa girls ang mga Revilla? 
" Ha Ha Ha! Siguro, we're accomodating lang! Pero not to that thingking na habulin kami or something. We're just friendly! It's not true! " bungisngis naman nitong depensa sa amin.
Hindi ba talaga maiwasang maikumpara sila sa Daddy nilang si Senator Bong Revilla?
" Yes! Hindi mo naman maaalis na yun! Because, kilala ang Daddy ko. Kung may pressure ang pagiging Revilla? Yes! We got comparissons from our Dad, but we're trying our best to form my own and our own identities naman. Be good always and just like my family, yung natutunan namin sa aming mga parents and everybody! Ganoon lang! " aniya. 
Well, nangako naman si Bryan na maganda rin ang kanyang ipapakitang eksena sa episode niyang VIRGO sa pelikulang TRES na produced ng IMUS PRODUCTIONS. Kasama sa TRES movie ang dalawa pang episode nina Jolo Revilla titled 72 HOURS at AMATS naman ni Luigi Revilla mula sa dalawang direksiyon nina Dondon Santos at Richard Somes. 
Ayon sa aming huling balita, kapag pinalad ay kasama pala ang pelikulang TRES sa nalalapit ng PISTA NG PELIKULANG PILIPINO 2018!

No comments:

Post a Comment