JEROME PONCE...PAKAHUSAY NA AKTOR!

Mula sa kauna-unahang teleserye niyang Be Careful With My Heart, waiting game is over! Finally ay making waves na itong si Jerome Ponce after years of waiting sa showbiz industry. Masasabi nating patience is a virtue talaga dahil currently ay beautiful projects ang ginagawa ng mahusay na aktor mula sa telebisyon at pelikula. Yes. Nag-marka sa tao ang pagiging magaling niyang aktor sa katatapos lang nitong teleseryeng The Good Son kung saan bumilib ang lahat sa kanyang ipinamalas na galing sa pag-arte. That even Jerome during our interview sa kanya ay walang ibang masabi kundi ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng taong nagbigay ng tiwala sa kanyang kakayahan bilang isang aktor. Kahit ako, personally ay saludo sa aktor na ito. Hindi namin alam kung papano siya humuhugot every single scene niya sa naturang serye na talagang hindi nagpapa-kabog sa kanyang co-actors! Kaya naman sa ngayon palang ay may mga naka-line-up nang future projects para kay Jerome dahil pinatunayan niya naman talagang mahal niya ang kanyang trabaho bilang isang aktor kaya niya raw ginagalingan ang bawat proyektong kanyang kinabibilangan. Tama siya. Mas maganda kung postive feedback ang kanyang aanihin after doing a project dahil ayon kay Jerom, satisfaction yun at magandang regalo sa kanyang sarili bilang isang baguhang aktor sa industry! Currrently, Jerome Ponce's promoting Walwal movie under Star Cinema and Regal Films. Intoy ang kanyang pangalan sa pelikula. Good natured atleta who's looking for his real father na ayon kay Jerome, something new ang role the fact na mellennial ang pagkaka-touched nung movie. Ang Walwal ang unang pelikula ni Jerome sa ilalim ng Regal Films matapos itong magbida sa horror flick na Haunted Mansion! Well, maybe after promoting this movie ay uumpisahan na rin ni Jerome Ponce ang kanyang taping para sa isang teleserye sa Kapamilya Network! Masipag kasi si Jerome tulad ng kanyang manager na si Avel Bacudio! More projects for this guy! He's a good son naman talaga!

No comments:

Post a Comment