XIAN LIM....KAABANG-ABANG SA PELIKULANG SIN ISLAND!

Hindi pa namin alam kung anong totoong dahilan kung bakit biglaang umalis sa bakuran ng Star Magic si Xian Lim at contract star na ito ngayon ng Viva Artists Agency. Hindi naman na ito bago sa amin dahil for the past years ay napakaraming artista na rin ang nakita naming kapag pakiramdam nila ay hindi na sila nago-grow sa kanilang management agency ay lumilipat talaga sila sa ibang management company. Hindi rin namin alam kung masasabi nating career move ito or maybe may mga dahilan naman talaga sila kung bakit kailangan nilang lumipat. Kapag inisip mong mabuti, ganoon ba talaga sa showbiz na kapag ang isang artista ay hindi na gusto ang nangyayari sa kanyang career sa isang company, the easiest thing to do ba talaga ay ang lumipat ng management? Is that good? Well, kakalungkot lang dahil ang Star Magic naman talaga ang nag-hulma sa isang Xian Lim na sana lang sa paglipat nito sa Viva ay mas lalong titingkad ang kanyang career noh! Anyways, timing naman yata ang pelikulang Sin Island na pinagbibidahan ngayon nina Xian Lim, Nathalie Hart at Coleen Garcia na showing na ngayong February 14 in cinemas nationwide! Timing dahil mukhang sa pelikulang ito ay walang kiyemeng nagbuyangyang na ng kanyang kahubdan si Xian huh! This kahubdan thiung matters to me dahil super crush ko naman personally si Xian noon pa. The height, the looks, the body, as in wow lang talaga ang masasabi ko sa kanya kahit may mga tsismis pang isa siyang closet gay! Wala akong pakialam dahil unang-una ay hindi ko naman nakikita sa kanya! Don't care anyways! Hahahaha! Mukhang panalo ang movie because mukhang nagpaka-daring din sa movie sina Nathalie Hart at Coleen Garcia. Sa trailer palang ng movie ay mukhang panalo na ang istorya nito Day! Ito na kaya ang most daring movie of the year? Abangan! Showing napo ngayong February 14 in cinemas nationwide from Star Cinema!

No comments:

Post a Comment