SA UMAAPAW NA BIYAYA, KARLA AT DANIEL, TAOS-PUSO ANG PASASALAMAT!

Beautiful ang newest tvc ng mag-inang Daniel Padilla at Karla Estrada. Tumpak at perfect ang mag-ina sa naturang tvc dahil tugmang-tugma ang konsepto sa kanilang dalawa. It's true. Napakarami nilang pinagdaanang mag-ina. Si Daniel ang totoong nakaranas ng totoong hirap sa kanilang apat na magkakapatid dahil siya ang panganay. You can ask Daniel dahil nakita niya mismo ang kanilang pinagdaanang mag-ina. But Karla didn't stop praying that someday ay makakaraos din. Patience is a virtue sabi nga nila. Hindi nawalan ng pag-asa lalo na si Karla at patuloy niyang itinaguyod ang kanyang mga anak at naniwalang darating ang araw na pasasaan ba't magliliwanag din ang lahat at magkakaroon din sila ng magandang buhay. Now it can be told. Simbolo ang mag-ina na kapag naniwala kang may DIYOS at kapag gumawa ka ng mabuti sa kapwa, posible ang magandang biyaya mula sa Itaas! Sa ngayon ay ine-enjoy na ng mag-ina ang bunga ng isang tagumpay na kahit sila mismo ay hindi nila inakalang ipagkakaloob sa kanila. Happy lang ako to see them both doing good and great sa kani-kanilang karera and happy so much dahil nagkaroon din sila sa wakas ng magandang buhay at patuloy sa pagiging mabuti sa kapwa! More blessings para sa inyong dalawa! Happy me! 

No comments:

Post a Comment