SOFIA ANDRES...RATSADA SA WORK!

Mukhang wala raw sa mood itong anak-anakan naming so Sofia Andres nang dumating ito sa isang presscon kamakailan. Halatang hindi raw maganda ang naging araw na iyon kay Sofia kaya kitang-kita raw ito sa kanyang aura habang kausap siya ng ilang kasamahan sa entertainment media and bloggers. Sabi ng ilang kasamahan, may attitude daw talaga si Sofia at medyo disappointed daw ang ibang kasamahan sa ipinakita ng sikat na ring aktres sa kanyang henerasyon. Medyo naloka lang ako personally sa mga tsika ng ibang kasamahan dahil unang-una po ay sino po tayo para husgahan kaagad ang young actress? Kesyo ganoon ang nakita nating attitude niya that day ay masama na ang ugali niya at attitude na ito? Nakakalungkot lang minsan na inuunahan natin ang mga sitwasyong hindi naman dapat at hindi natin alam ang pinagdadaanan ng aktres. Masyado tayong malinis sa ganoong panghuhusga at puwede naman nating ipagkibit-balikat na maaring may pinagdadaanan siya dahil lahat naman tayo ay tao lang na minsan, may mga araw na nagkaroon tayo ng mga problemang hindi maiwasang isipin. The fact na nandoon siya para sa presscong ay bigyang respeto naman natin ang pagiging professional niya sa kanyang trabaho at sa atin na rin! Kilala ko si Sofia sa pagiging sweet girl nito at malambing sa mga nakakasalamuha niya. Napag-alaman ko rin na totoo nga, that day ay may pinagdadaanan talaga ang buong family niya. Ang naging mali lang siguro ni Sofia, hindi niya naisip na kapag binigyang-pansin niya ang mga ganoong bagay sa oras ng trabaho ay maaapektuhan talaga siya which is okey lang naman yun dahil tao lang tayo. Payo ko na rin sa anak-anakan, control and stay happy lang Nak! Ang mga problema ay nandiyan lang yan at harapin lang itong nakangiti! Lagi mong isipin na life is beautiful because you're so beautiful and blessed! Hay naku! Basta! After niyang umariba sa kanyang karakter sa katatapos lang na seryeng Pusong Ligaw ng Star Creatives ay mapapanood muli si Sofia Andres sa upcoming teleserye ng LizQuen na Bagani under Star Creatives! Ganoon lang Nak! Smile, Work and Enjoy!

No comments:

Post a Comment