FIRST MAJOR CONCERT NG CLIQUE V NGAYONG FEBRUARY 27 NA SA MUSIC MUSEUM!

Kasado na ang lahat ng gagawing production number ng pitong miyembro ng newest boy group na Clique V para sa kanilang kauna-unahang major concert ngayong February 27, 8pm na gaganapin sa Music Museum na produced mismo ng kanilang management company na 316 Events & Talent Management Company. Puspusan na ang ang mga guwapo at cute members ng Clique V sa kanilang rehearsals and pagpapaganda ng katawan. Ayon sa 316, gusto kasi nilang kahit papano ay may ipapakitang ganda ng katawan ang mga bagets dahil hindi lang kakanta ang mga ito kundi may gagawin din silang dance numbers na sigurado akong paiinitin tayo huh! Puwedeng sabihing sings and dance ang grupo na kinabibilangan nina Karl, Sean, Clay, Marco, Josh, Rocky at Tim. In fairness sa mga bagets, simulang hinawakan namin ang publicity and promotions nila at nakasalamuha namin sa mga out of town scenes ay hindi ko nakitaan ng yabang at asta ang mga ito. Pero kapag pinapanood na namin silang nagpi-perform, wow, may angas at kanya-kanyang eksena sa appeal ang bawat isa huh! Magkakaroon ng special guest ang Clique V during the concert at excited na kami sa totoo lang! Just wanna say thank you sa mga artista at singers na nagbigay ng kanilang suporta sa pagsulpot ng newest boy group thru video greetings! During the said concert ay maririnig niyo rin ang mga original compositions ni Direk Joven Tan na kinanta ng Clique V na kasama sa kanilang album na puwede niyo napong i-download sa youtube, spotify at amazon! Tiyaga lang mga anak at pasasaan ba ang lahat! Happy for you Clique V! Stay humble!

No comments:

Post a Comment