Mga bagong opisyal ng PMPC Star Awards 2025, inihalal na
TINANGHAL na pangulo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards sa taong 2025 si Mell Navarro ng Tempo, PEP, Manila Bulletin, Pinoy Entertainment Guide (FB) matapos ang idinaos na taunang halalan kahapon ng hapon sa tanggapan ng PMPC sa QC.
Si Fernan "Ms. F" de Guzman naman ng Saksi, Wow It's Showbiz Blog, IBC-13 DWAN 1206 AM "Eto Pala Ang Latest (E.P.A.l) ang inilagay ng may 37-voting members bilang bagong bise-presidente ng samahan.
Si Jimi Escala ang 'waging Secretary (Police Files Tonite, People's Balita, Remate, Remate Online, Kabayan, X-Files at Balita Online; Assistant Secretary-Mildred Bacud (Marisol Academy/Tonite Host, DWAR 1494 Abante Radyo, Showbiz Unlimited Fence Online; Treasurer-Boy Romero (Police Files Tonite, Balitang KLik Online, Showbiz Round-Up PH Blog; Assistant Treasurer-John Fontanilla (Hataw, Showbitz, Showbizzz Blog, Barangay LSFM 97.1 (Host); Auditor-Rodel Fernando (Showbiz Republika (Editor), Abante TNT, Marisol Academy (Host); PRO for English-Eric Borromeo (Pinoy Aksyon News Online (Editor), Showbiz 24/7 Online, Showbiz Manila Ph; at PRO for Filipino-Blessie Cirera (Police Files Tonite (Editor).
Ang bumubuo naman ng Board of Directors ay sina Roldan Castro (Abante Tonite-Editor, Marisol Academy Tonite (Host), DWAR 1494 (Abante Socmed, RFC Entertainment Blog, Roldan Castro YouTube Channel; Evelyn Diao (Kabayan, X-Files, Tiktik, Bistado (Editor); Leony Garcia (ABS-CBN Online, Bandila, Showbitz & Pieces (FB), Whatchamacallit); Rommel Gonzales (PEP, Police Files Tonit, Hataw, PSR, People's Balita; Rommel Placente (Police Files Tonite, Hataw, Saksi, Remate, Marisol Academy/Tonite (Host); Francis Simeon (Philippine Showbiz Republic, X-Files.)
Sa nakalipas na 40 taon, kinikilala ng PMPC at ipinagdiriwang ang kahusayan sa industriya ng pelikula, telebisyon at musika sa Pilipinas sa pamamagitan ng tatlong taunang okasyon, ang Star Awards for Movies, Television at Music.
Nakasentro ang PMPC sa paghahatid ng mga pinakabago at sariwang balitang showbiz sa iba't ibang uri ng plataporma.
Sa kasalukuyang pamamalakad ng bagong pamunuan, nakatuon ang PMPC sa lalo pang pamamayagpag at pagpapatuloy ng adhikain nitong itaas ang antas ng showbiz industry.
No comments:
Post a Comment