Let’s do better’: Alan, Pia, at Boy, nagbahagi ng mensahe sa ‘CIA with BA’ viewers para sa 2025
Nagbahagi ng makabuluhang mensahe ang mga hosts ng ‘CIA with BA’ na sina Senators Alan Peter at Pia Cayetano, kasama si Boy Abunda, para sa mga manonood ng programa sa unang episode nito para sa taong 2025, na ipinalabas nitong Linggo, Enero 5.
“Sa lahat sa inyo na naging mahirap, masakit, masaklap ang mga pangyayari noong 2024, it’s a new season. Say, ‘Goodbye!’” ani Kuya Alan. “Lahat din sa inyo na naging maganda ang 2024, [it’s] time to look forward to even better times.”
“Kung ano mang mali, from the bottom of our hearts, just apologize, say, ‘Sorry.’ Kung ano mang tama, [let’s] do better, do our best,” dagdag pa niya.
Samantala, binigyang-diin naman ni Ate Pia ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pasasalamat kahit nasa gitna ng pagsubok.
“We’ve been through so many trials in life. Some years… masasabing itong taon na ‘to napakahirap, or last year [mas] mahirap. [But] even during those hardest times, there are always things to be grateful for,” ani Pia.
“That’s what I’d like to share with everyone — na pigain niyo, hanapin niyo what you can be grateful about. ‘Yung kakayahan natin na makahanap ng joy even in the midst of pain,” dagdag niya.
Samantala, itinampok naman ni Tito Boy ang kapangyarihan ng pagmamahal.
“Ang natutunan ko at patuloy na natututunan ko ay nothing can survive love—no bashing, no negativity, walang pangungutya, walang kasinungalingan ang pwedeng mabuhay amidst love,” ani Tito Boy.
“Kahit ano pa ang mangyari sa atin, just love,” pagtatapos niya.
Nagpahayag din ang programa ng pag-asa para sa isang makabuluhang 2025 habang patuloy silang nagsasama-sama sa pagbibigay ng tulong, serbisyo, at kaalaman sa batas para sa publiko.
Patuloy na isinusulong ng ‘CIA with BA’ ang legasiya ng yumaong Senator Rene Cayetano at napapanood ito tuwing Linggo, 11:00 p.m., sa GMA7, habang may replays naman sa GTV tuwing Sabado, 10:30 p.m.
No comments:
Post a Comment