Produced ito ng CreaZions Studios na pinagbibidahan ni Aicelle Santos sa direksiyon ni Pepe Diokno.
In-fairness, maraming inimbitahan entertainment media and bloggers plus vloggers ang movie production para sa naturang launching.
Bumaha naman ang mga tanong about the film kung paano ito ginawa, kung may binago sa script mula sa totoong pagkakasulat nito, kung paano pinaghandaan ng cast ang kani-kanilang roles ganoon din ang reaksiyon ni Nora Aunor about Aicelle Santos who's playing the main character of Himala.
Ayon pa kay Aicelle, overwhelmed siya sa suporta sa kanya ng buong cast lalo na't hindi biro ang ginagampanan niyang role na dating binigyang buhay ng nag-iisang superstar.
Hindi nga naman birong ipagkatiwala sa iyo ang isang role lalo na't mabigat na artista ang may hawak nito.
Nakakatuwa ang film dahil wala ni kahit isang big star sa showbiz industry ang nakasama rito kundi ang lahat ng bida ay nanggaling sa teatro huh!
Well, ibig sabihin, mahuhusay sila at alam mong mabibigyang buhay talaga nila ang kani-kanilang roles sa pelikula kaya dapat nating panoorin ang pelikulang ito.
Ang ' Isang Himala ' ay official entru po ngayong 50th Metro Manila Film Festival at magbubukas na sa mga sinehan ngayong December 25!
No comments:
Post a Comment