May karapatan ba ang mga nag-ampon sa maternity/paternity leave?
Muling ipinaalala ng 'CIA with BA' ang kahalagahan ng pag-unawa sa batas, lalo na ng mga magulang, upang makinabang ang kanilang sarili at ang kanilang mga anak.
Sa ‘Yes or No’ segment ng episode noong Linggo, Nobyembre 24, nagtanong si Nico mula sa Mariteam: “Kung hindi pwede ang hindi married, bakit ‘yung kakilala ko na nag-adopt [ng bata], nakahingi o nakakuha pa siya ng paternity leave? Pwede po ba ‘yon?”
“Pwede. That’s my law — Republic Act 11642,” sagot ni Senador Pia Cayetano, na tumutukoy sa Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act na kanyang ipinanukala..
“Because I have an adopted child, I’m very conscious of the discrimination that adopted children or adoptive parents may face. Nagkaroon din ako ng anak na may sakit, may kapansanan, namatay… I’m familiar with that,” paliwanag niya.
Ibinahagi ni Ate Pia: “Nagagamit ko ‘yung personal experience ko and discussions with people similarly situated to realize na, ‘Teka, ‘pag nag-adopt ka e para ka ring nagka-baby, ‘di ba? Hindi nga lang ‘parang,’ nagka-baby ka talaga. Hindi nga lang lumabas sa katawan mo… but you now have to bond with this baby that was not even born of your flesh and blood. Magsho-shopping ka rin naman ng gamit, [Magkaka]-sleepless nights ka rin naman para mag-alaga.”
“Therefore, do’n sa adoption law, nilagyan ko dun ng provision na kung ano ‘yung batas para do’n sa [natural] parents, meron din ang adoptive parents,” dagdag pa niya.
Sa huli, tinitiyak ng adoption law na ang mga adoptive parents ay may parehong karapatan at benepisyo tulad ng mga biological parents, kabilang na ang maternity at paternity leave.
Ang probisyong ito ng batas ay kumikilala sa kahalagahan ng pagsuporta sa mga adoptive parents sa kanilang pagsisikap na makipag-bonding at mag-alaga ng kanilang mga anak, kahit hindi sila ang nagbuntis.
Sa pamamagitan ng batas na ito, pinapakita ng gobyerno ang komitment nito sa pagkakapantay-pantay at katarungan para sa lahat ng pamilya, na kinikilala na ang pagiging magulang — kahit biological o adoptive — ay may pantay na kahalagahan.
Ang ‘CIA with BA’ ay nagpapatuloy sa pamana ng yumaong Senator Rene Cayetano at napapanood tuwing Linggo, 11:00 p.m. sa GMA7, may mga replay sa GTV tuwing Sabado, 10:30 p.m.
No comments:
Post a Comment