PM IS THE KEY: CIA WITH BA NAGBABALA TUNGKOL SA PAGBILI NG MGA ITEM ONLINE NA WALANG PRESYO

PM is the key’: CIA with BA, nagbabala tungkol sa pagbili ng mga item online na walang presyo

Narinig o nabasa mo na ba ang mga katagang “PM is the key” habang tumitingin ng mga item online? Mag-ingat dahil ito pala ay LABAG SA BATAS!

Ito ang nilinaw sa episode ng public service program na ‘CIA with BA’ nitong Linggo, Agosto 25, kung saan inilahad ni Queen Manilyn ng Mariteam ang kanyang hinaing.

“Tumitingin po ako ng mamahaling bag sa online shop tapos nakita ko walang nakasaad na presyo, tapos nakalagay lang do’n sa page nila, ‘PM is the key.’ Pwede po ba ‘yon?” tanong niya sa segment na ‘Yes or No.’

Diretsahang sinagot ito ni Senador Alan Peter Cayetano ng “No.”

“Alam mo, nagulat din ako dyan. Ako, mahilig ako sa collectibles—basketball cards, jerseys, figurines. Matingin din ako sa internet,” pagbabahagi ni Kuya Alan.

Ipinaliwanag niya na noong Disyembre 2023, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 11967 o ang Internet Transactions Act. Ang batas na ito ay nagsusulong ng polisiya ng estado na panatilihin at palakasin ang e-commerce sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbuo ng tiwala sa pagitan ng mga online seller at consumer.

“Very specific ‘yon [na] sa internet, kailangan ng presyo. So pati sa Consumer Act, nakalagay din do’n na ‘pag ikaw [ay] nagbebenta, dapat merong price ‘yon,” binigyang-diin ni Cayetano.

Binanggit din ni Senator Cayetano na maaaring marami sa mga online seller ang hindi alam ang requirement na ito, o kaya naman ay may mga dahilan sila tulad ng pag-iwas sa price canvassing o pag-target lamang ng mga seryosong buyer. Ngunit idiniin niya na ang batas ay para pangalagaan ang lahat, “at kailangan talaga merong presyo.”

Habang patuloy na lumalago ang online shopping, mahalaga para sa mga seller at consumer na maging pamilyar sa kanilang mga karapatan at responsibilidad. Bagama’t tila mas madali para sa ilang seller ang paggamit ng “PM is the key,” labag ito sa mga batas na naglalayong siguraduhin ang transparency at proteksyon ng mga consumer.

Ang ‘CIA with BA’ ay nagpapatuloy sa pamana ng yumaong Senador Rene Cayetano at mapapanood tuwing Linggo ng 11:00 p.m. sa GMA7, na may replays sa GTV tuwing Sabado ng 10:30 p.m.

PM IS THE KEY: CIA WITH BA WARNS AGAINST BUYING ITEMS ONLINE WITHOUT PRICES

 PM is the key’: CIA with BA warns against buying items online without prices

Have you ever encountered the phrase “PM is the key” when browsing for items online? Heads up—this practice is actually NOT ALLOWED!

This was made clear in the recent episode of the public service program ‘CIA with BA,’ aired on Sunday, August 25, where Queen Manilyn of the Mariteam voiced her concerns.

“Tumitingin po ako ng mamahaling bag sa online shop tapos nakita ko walang nakasaad na presyo, tapos nakalagay lang do’n sa page nila, ‘PM is the key.’ Pwede po ba ‘yon?” she asked during the ‘Yes or No’ segment.

Senator Alan Peter Cayetano responded directly with a firm “No.”

“Alam mo, nagulat din ako dyan. Ako mahilig ako sa collectibles—basketball cards, jerseys, figurines. Matingin din ako sa internet,” he shared.

He explained that President Ferdinand Marcos Jr. signed Republic Act No. 11967, or the Internet Transactions Act, in December 2023. This law enforces the state’s policy to promote and maintain a robust e-commerce environment in the Philippines by building trust between online merchants and consumers.

“Very specific ‘yon [na] sa internet, kailangan ng presyo. So pati sa Consumer Act, nakalagay din do’n na ‘pag ikaw [ay] nagbebenta, dapat merong price ‘yon,” he emphasized.

Senator Cayetano also pointed out that many online sellers might not be aware of this requirement or might have reasons for not displaying prices, such as avoiding price canvassing or filtering for serious buyers only. However, he stressed that the law is meant to protect everyone, and kailangan talaga merong presyo.”

As online shopping continues to grow, it's crucial for both sellers and consumers to be aware of their rights and responsibilities. The practice of using "PM is the key" might seem convenient for some sellers, but it goes against legal requirements designed to ensure transparency and protect consumers.

‘CIA with BA’ continues the legacy of the late Senator Rene Cayetano and airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, with replays on GTV the following Saturday at 10:30 p.m.

CIA WITH BA : BABAE HUMINGI NG TULONG DAHIL SA PAGKALAT NG SEX VIDEO SA MGA KAIBIGAN

CIA with BA’: Babae humingi ng tulong dahil sa pagkalat ng sex video sa mga kaibigan

Isang babae na may bipolar disorder ang lumapit sa ‘CIA with BA’ upang humingi ng tulong tungkol sa pagkalat ng isang sex video na kinunan kasama siya.

Sa segment na ‘Payong Kapatid,’ ibinahagi ni Elaine na dahil sa kahirapan ay napilitan siyang magtrabaho bilang sex worker sa Quezon City. Sa kanyang unang araw, nagkaroon siya ng mga kliyente, ngunit sa sumunod na araw ay wala na.

Nag-aalala na baka hindi na siya makakuha ng mga kliyente, naghanap siya sa pamamagitan ng social media. Dito na nagsimula ang kanyang kalbaryo dahil makipag-ugnayan siya sa isang tao na nagpakilalang ahente at sinabing may kliyenteng Chinese na bukod sa pagtatalik, gusto rin ng sex video para sa mas mataas na halaga.

Matapos i-record ang video gamit ang kanyang sariling telepono, may nagpakilala namang diumano’y kasama ng ahente at kinuha ang kanyang email address upang ipadala ang code. Ngunit ito pala ay isang scam, at dahil dito na na-hack ang kanyang social media accounts, mga e-wallet, at pati ang kopya ng sex video.

Dito na nagsimulang ibenta ng hacker ang kanyang sex video, maging sa mga kaibigan niya sa social media.

Ipinahayag ni Senator Pia Cayetano ang tatlong mahahalagang punto tungkol sa kaso ni Elaine. Una, talagang dapat maging maingat sa pagsali sa social media groups. Pangalawa, bagamat pumayag si Elaine na magpa-video, wala pa ring karapatan ang sinuman na ikalat ito ayon sa batas na Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009, na siya ring isinulong ni Senator Pia. Ikatlo, ang mga responsable dito ay maaaring managot sa ilalim ng Trafficking in Persons Act.

Ipinaliwanag ni Dr. Ernest Nora, isang general psychiatrist, na ang mga desisyon ni Elaine ay maaaring dahil sa kanyang kondisyon.

“It’s a mood disorder na meron pong extremes. On one side would be depression — lagi siyang malungkot, hindi maganda ang pananaw niya sa buhay. But on the other side is ‘yung mania. Pagka ganito po, sobra naman ‘yung activity nila — lahat akala kaya nilang gawin… kasama po do’n would be ‘yung mga pre-occupations niya with sex. Ito po ay isang sintomas. Ang mahirap po kay Elaine ay ginamit niya bilang trabaho. But ‘yun po ay napalala pa,” paliwanag niya.

“Meron pa pong isang kondisyon si Elaine na bihirang-bihira po. Ito po ‘yung androgen insensitivity syndrome. Although babae si Elaine, meron siyang hormones na panlalaki at isa ‘yon sa nag-a-adapt ng kanyang hypersexuality — ito po ‘yung dating tinatawag nating nymphomania. Meron siyang poor impulse control with regards to that,” dagdag niya.

Ayon pa sa eksperto, ang mga gamot ay makakatulong sa pamamahala ng kondisyon, ngunit ang therapy ay tutulong sa kanya na makayanan ang panghabang-buhay na paggamot, na ipinangako ng programa na susuportahan.

Ang ‘CIA with BA’ ay nagpapatuloy sa pamana ng yumaong Senador Rene Cayetano at mapapanood tuwing Linggo ng 11:00 p.m. sa GMA7, na may replays sa GTV tuwing Sabado ng 10:30 p.m.

CIA WITH BA : WOMAN SEEKS HELP FOR SPREAD OF SEX VIDEO TO FRIENDS

CIA with BA’: Woman seeks help for spread of sex video to friends

A woman with bipolar disorder appeared on ‘CIA with BA’ to seek help regarding the spread of a sex video taken of her.

In the ‘Payong Kapatid’ segment, Elaine shared that due to her difficult circumstances, she was forced to work as a sex worker in Quezon City. On her first day, she had some clients, but the following day, there were none.

Worried about not getting customers, she sought them through social media. This was where her ordeal began, as she interacted with someone claiming to be an agent who said a Chinese client wanted a sex video in addition to sex for a higher fee.

After recording the video with her own phone, someone claiming to be connected to the agent asked for her email address to send a code. However, this was a scam, and her social media accounts, e-wallets, and the video were hacked.

The hacker then began selling her sex video, including to her friends on social media.

Senator Pia Cayetano highlighted three key points regarding Elaine’s case. First, one must be very cautious when joining social media groups. Second, even though Elaine consented to the recording, no one has the right to distribute the video under the Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009, which Senator Pia authored. Third, those responsible could be held accountable under the Trafficking in Persons Act.

Dr. Ernest Nora, a general psychiatrist, explained that Elaine’s decisions might be influenced by her condition.

“It’s a mood disorder na meron pong extremes. On one side would be depression — lagi siyang malungkot, hindi maganda ang pananaw niya sa buhay. But on the other side is ‘yung mania. Pagka ganito po, sobra naman ‘yung activity nila — lahat akala kaya nilang gawin… kasama po do’n would be ‘yung mga pre-occupations niya with sex. Ito po ay isang sintomas. Ang mahirap po kay Elaine ay ginamit niya bilang trabaho. But ‘yun po ay napalala pa,” he explained.

“Meron pa pong isang kondisyon si Elaine na bihirang-bihira po. Ito po ‘yung androgen insensitivity syndrome. Although babae si Elaine, meron siyang hormones na panlalaki at isa ‘yon sa nag-a-adapt ng kanyang hypersexuality — ito po ‘yung dating tinatawag nating nymphomania. Meron siyang poor impulse control with regards to that,” he continued.

According to the expert, medications will help manage the condition, but therapy will assist her in coping with lifelong treatment, which the program has pledged to support.

‘CIA with BA’ continues the legacy of the late Senator Rene Cayetano and airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, with replays on GTV the following Saturday at 10:30 p.m.

AMA HINILING NA MAMATAY NA ANG MGA ANAK DAHIL SA KALASINGAN

Ama, hiniling na mamatay na ang mga anak dahil sa kalasingan!

Tama ba para sa isang ama na hangarin na mamatay ang kanyang sariling mga anak para makinabang mula rito?

Sa segment ng ‘Case 2 Face’ segment sa episode ng ‘CIA with BA’ nitong Linggo, Agosto 11, nagreklamo si Erwin laban sa kanyang nakababatang kapatid na si Jeffrey dahil sa pagiging lasinggero nito.

Ibinahagi ni Erwin na kapag nalalasing si Jeffrey, nagsasabi ito ng masasakit na salita sa kanyang mga anak at minsan ay sinasabi pa nitong mamatay na sana sila para magkaroon siya ng pakinabang mula sa pera na nakolekta mula sa abuloy sa kanilang libing.

Sinabi rin ni Erwin na dumulog siya sa programa kahit na siya ay humingi na ng tulong mula sa barangay upang makatanggap ng maayos na counseling si Jeffrey at malaman ang mga kahihinatnan ng kanyang mga aksyon.

Bagaman sa simula ay sinubukan ni Jeffrey na itanggi ito, sa huli ay inamin niya na talagang napapasobra siya sa pag-inom, na nagiging sanhi ng kanyang mainit na ulo. Inamin din niya kina Senador Alan Peter at Pia Cayetano na nagpunta siya sa alak upang makalimutan ang pagkamatay ng kanyang asawa at isang anak, na nagdulot ng pag-abandona sa kanyang ibang mga anak.

Bilang co-host at mambabatas, ipinaliwanag ni Ate Pia kay Jeffrey na malinaw sa batas na obligasyon niyang alagaan ang kanyang mga anak.

Ipinangako ng programa na tutulungan si Jeffrey sa counseling at bibigyan ng suporta ang kanyang mga anak, lalo na si Jeremy na nangangailangan ng medikal na check-up.

“Hindi mo kontrolado ang aksyon ng isang tao, pero kontrolado mo ang reaksyon mo,” sabi ni Kuya Alan habang ibinabahagi ang kanyang natutunan mula sa isyu.

“Magkapatid na parehong maganda ang intensyon pero they’re hearing different things. So, ang dating kay Jeffrey pinapakialaman siya, ang dating naman kay Erwin nagmamalasakit siya. Ang dating kay Erwin tumutulong siya, ang dating naman kay Jeffrey nilalait o sinusumbatan siya,” patuloy niya.

“Maraming bagay ang gusto nating baguhin, pero magsimula tayo sa ating reaksyon sa mga nakikita natin, lalo na kung sa tingin natin mali,” pagtatapos niya.

Para sa kanyang bahagi, sinabi ni Boy Abunda, “’Importante na nakikinig tayo. Importante ‘yung sinasabi natin palagi na may intervention — isang tao na iginagalang, isang tao na nagsasabing, ‘Dahan-dahan. Medyo hindi na tama ang iyong ginagawa,’” binigyang-diin niya.

Ang ‘CIA with BA’ ay nagpapatuloy sa pamana ng yumaong Senador Rene Cayetano at mapapanood tuwing Linggo ng 11:00 p.m. sa GMA7, na may replays sa GTV tuwing Sabado ng 10:30 p.m.

CIA WITH BA: ALCOHOLISM CAUSES FATHER TO WISH HIS CHILDREN'S DEATH

CIA with BA’: Alcoholism causes father to wish his children’s death

Is it appropriate for a father to wish for his own children in order to die to gain from it?

In the ‘Case 2 Face’ segment of ‘CIA with BA’ episode Sunday, August 11, Erwin complained about his older brother Jeffrey for being an alcoholic.

He shared that whenever Jeffrey gets drunk, he says hurtful things to his children, even wishing they would die so that he could benefit from the money collected from donations at their funeral.

Erwin said he had already sought help from barangay officials but still approached the TV program to make sure his brother could receive proper counseling and understand the consequences of his actions.

Although Jeffrey initially tried to deny it, he eventually admitted that he tends to drink excessively, which causes him to lose his temper. He also admitted to hosts Senators Alan Peter and Pia Cayetano that he turned to alcohol as a way to cope with the death of his wife and one of his children, which led to him neglecting his other children.

As a legislator, Ate Pia explained to Jeffrey that the law clearly states it is his obligation to take care of his children.

The program pledged to help counsel Jeffrey and provide assistance for his children, especially Jeremy, who needs a medical check-up.

“You don’t control someone’s actions, but you control the reaction,” Kuya Alan said as he shared his views on the issue.

“Magkapatid na parehong maganda [ang] intensyon pero they’re hearing different things. So, ang dating kay Jeffrey pinapakialaman siya, ang dating naman kay Erwin nagmamalasakit siya. Ang dating kay Erwin tumutulong siya, ang dating naman kay Jeffrey nilalait o sinusumbatan siya,” he continued.

“There are so many things we want to change, but let’s start with our reaction to what we see, especially if we think it’s wrong,” he concluded.

For his part, Boy Abunda said, “’Importante na nakikinig tayo. Importante ‘yung sinasabi natin palagi na may intervention — isang tao na iginagalang, isang tao na nagsasabing, ‘Dahan-dahan. Medyo hindi na tama ang iyong ginagawa,’” he noted.

‘CIA with BA’ continues the legacy of the late Senator Rene Cayetano and airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, with replays on GTV the following Saturday at 10:30 p.m.

CIA WITH BA : ANAK GINUSTONG MAMATAY ANG INA

CIA with BA’: Anak, ginustong mamatay ang ina!

Nagharap sa isang emosyonal at taos-pusong komprontasyon ang isang ina at kanyang anak sa pinakahuling episode ng ‘CIA with BA.’

Sa segment na ‘Case 2 Face’ nitong Linggo, Agosto 4, dumulog si Nora sa programa upang ireklamo ang kanyang anak na si Noreen dahil sa masasakit na salitang binitiwan nito. Ayon kay Nora, umabot na sa puntong isinumpa siya ng anak at hiniling na mamatay na siya.

Inilahad ni Nora na hindi na niya matiis ang sitwasyon. Ang masasakit na salita mula sa kanyang anak ay nag-iwan ng malalim na sugat sa kanyang damdamin, dahilan para humingi siya ng tulong mula sa mga host ng TV show. Ipinahayag niya ang kanyang pag-asa na makakatulong ang palabas upang mapag-ayos ang kanilang sirang relasyon.

Habang lumalalim ang diskusyon, inamin ni Noreen na nasabi niya ang mga ito dahil sa pakiramdam na pinabayaan siya ng ina. Ipinaliwanag ni Noreen, na isa na ring magulang na may apat na anak, na ang kanyang pakiramdam ng kapabayaan ang nag-udyok sa kanyang galit at hinanakit laban kay Nora.

Naging daan ang mga salita ni Senator Pia Cayetano upang mamulat sila sa kanilang mga pagkakamali. Ang kanyang gabay ay nakatulong kina Nora at Noreen na maunawaan ang pananaw ng isa’t isa, na nagbunga ng paghingi ng tawad at ng pagkakasundo.

Bukod pa rito, nangako ang programa na tutulungan sila upang makabangon mula sa pangyayaring ito. Iminungkahi rin nila na tutulungan si Noreen na makahanap ng alternative learning system na maaaring maging daan para matupad ang kanyang pangarap na maging guro.

“Ang sarap mag-ending na may na-solve na problema,” wika ni Senator Alan Peter Cayetano.

“Ang mundo’y talagang nangangailangan ng mga taong solusyon at minsan kulang lang ng mamamagitan… Sana mas marami po ang pagkakataon na tayo ay maging solusyon,” dagdag pa niya.

Ang ‘CIA with BA’ ay nagpapatuloy sa pamana ng yumaong Senador Rene Cayetano at mapapanood tuwing Linggo ng 11:00 p.m. sa GMA7, na may replays sa GTV tuwing Sabado ng 10:30 p.m.

CIA WITH BA : DAUGHTER WISHES FOR MOTHER'S DEATH

‘CIA with BA’: Daughter wishes for mother’s death

A mother and daughter faced off in an emotional and heartfelt confrontation in a recent episode of ‘CIA with BA.’

In the ‘Case 2 Face’ segment on Sunday, August 4, Nora approached the program to complain about her daughter, Noreen, about hurtful words said to her. According to Nora, it reached a point where her daughter cursed her and wished for her death.

Nora revealed that the situation had become unbearable. The harsh words from her daughter had left deep emotional scars, prompting her to seek intervention from the TV show's hosts. She expressed her hope that the show could mediate and help mend their strained relationship.

As the discussion deepened, Noreen admitted that she said those hurtful things because she felt abandoned by her mother. Noreen, who is also a mother of four, explained that her feelings of neglect fueled her anger and resentment towards Nora.

During their confrontation, Senator Pia Cayetano's words became a catalyst for both of them to realize their mistakes. Her guidance helped Nora and Noreen understand each other's perspectives, leading them to ask for forgiveness and reconcile.

Additionally, the program promised to assist them in moving forward from this incident. They offered to help Noreen by finding an alternative learning system that could pave the way for her to fulfill her dream of becoming a teacher.

“Ang sarap mag-ending na may na-solve na problema,” Senator Alan Peter Cayetano remarked.

“Ang mundo’y talagang nangangailangan ng mga taong solusyon at minsan kulang lang ng mamamagitan… Sana mas marami po ang pagkakaton na tayo ay maging solusyon,” he concluded.

‘CIA with BA’ continues the legacy of the late Senator Rene Cayetano and airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, with replays on GTV the following Saturday at 10:30 p.m.