BAMBI MORENO, DATING ACTION ACTOR NOON, BARBIE GIRL NA NGAYON

MANTAKIN mo! Dating action actor noon, aba'y super girl na ngayon! Yan si Arthur Benedicto sa totoong buhay na isa na ngayong Bambi Moreno! Sa kanyang ipinatawag na salu-salo together kasama ang ilang piling miyembro ng entertainment media, kanyang sinabing miss na miss niya ang showbizlandia kaya raw siya umuwi. Gusto niya lang daw magparamdam sa showbiz at naging vocal siya sa pagsasabing target niyang sana ay maka-extra man lang siya sa numero-unong teleseryeng Batang Quiapo ni Coco Martin.

Wala raw siyang pakialam kung action scenes ang ipapagawa sa kanya ni Coco kapag napagbigyan siya. Dati naman daw siyang action actor at gagawin noya raw lahat kapag nagkataon.

Aniya, bukas daw siya sa anumang proyekto kapag may lumapit sa kanya ganopn na rin daw ang pagpapaseksi sa pinag-uusapang Vivamax.

Aliw kausap si Bambi na nagkuwento rin patungkol sa kanyang pinagdaanan bago siya naging totally girl. Barbi daw talaga ang tawag sa kanya sa Japan, yun nga lang, hirap daw ang mga hapon sa letrang R kaya ginawa nalang daw itong M kaya naging Bambi!

Sa kanyang naging kuwento, inabot siya sa halos 10 million pesos para sa kanyang pagpapaayos sa kanyang buong katawan. Pinaghandaan niya raw ito noon at wala siyang pinagsisisihan instead ay naging mas masaya pa ang kanyang buhay.

Nakatrabaho niya na raw sa ilang action projects noon sina Jestoni Alarcon at ilan pang action stars noon. Hindi niya raw makakalimutan ang isang project niya noong ginawa siyang rapist. Comedy ang pagkakakuwento ni Bambi sa amin.

Naikuwento rin nitong plano niya narin diumanong magtayo ng isang comedy bar sa Japan at mangyayari daw yan soon

Marami na rin daw naipundar na pang-kabuhayan si Bambi dahil almost 30 years pala siyang nawala sa Pinas mula sa kanyang pagpunta sa Amerika hanggang sa mag-Japan siya at naging entertainer doon.

Since pinag-uusapan naman ngayon sina Vice Ganda at Bb Gandanghari, biniro namin si Bambi kung sino ang mas maganda para sa kanya. Kung si Vice ba o Bb?

Naging deretsahan ito sa pagsagot na si Vice. Nang tanungin namin kung sino ang mas maganda sa kanila ni Vice? Naging deretsahan naman siya sa pagsSabing eh si Vice na! Ayaw daw niya kasi ng away at busy daw siya! 

Actually, kuwelang kausap si Bambi kung saan marami rin siyang naging rebelasyon during our interview. 

Ang mangyayari raw ay pabalik at pauntang Pinas at Japan nalang daw siya kapag may mga bagong oportunidad na magbubukas para sa kanya sa local showbiz kapag napagbigyan siya.

Interesting ang kanyang buhay huh! Yung pinagdaanan niyang pagtatago sa kanyang totoong sarili noon, yung journey niya nung panahong magdesisyon siyang magpa-sex change at yung pagtanggap ng kanyang pamilya at kaibigan sa ginawa niya! 

Well, goodluck Bambi! Thank you for sharing your life's journey lalo na sa inspirasyong puwede mong mabigay sa mga taong magpahanggang ngayon ay nagtatago parin sa dilim ang mga buhay at takot lumabas sa katorohanan! 

No comments:

Post a Comment